Page 38

16 1 0
                                    

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari dahil sa isang iglap ay nakahiga na si kuyang Mib sa sahig habang si Agatha at Shiela V. ay nakaalalay kay Donya Rebecca na hindi parin makapaniwala sa nangyari. Kahit ako man ay hindi ako makapaniwalang sinuway ni Caleb ang kanyang ina.

"H-how can you do this to your mother!" Nanggigil na sigaw ng Donya kay Caleb.

"Tita stop it!"Pagpapakalma ni Agatha sa ginang.

Habang si Shiela V. ay hindi parin makapaniwala katulad ko.

"Caleb wake up! Bakit ka ba nagkakaganyan?! Hahayaan mo bang sirain ka ng babaeng 'yan?!" Nanggigil na sigaw parin ng Donya haban ako ay nakaupo parin.

Tiningala ko si Caleb na titig na titig sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya at nilipat kay Shiela na masama ang tingin sa akin.

"Caleb." Mahinang tawag nito umaasang mabigyan siya ng sulyap.

"What now Caleb?! After knocking my guard down here you are looking at her like a fool! Pansinin mo ang fiance mo at hindi kung sino sino ang binibigyan mo ng atensyon na hindi naman dapat!" Galit na bulyaw nito sa anak habang patuloy ang pagduro nito sa akin.

"Stop it mom! I'm tired of tolerating your actions! I won't marry her." Matigas na sabi nito sa ina.

Napanganga ang ginang  sa inasta ng anak. "Paano mo nagagawang sumbatan ako? Na ang tanging hinangad ko ay ang ikabubuti mo!" Halos maiyak ang kanyang ina dahil sa sinabi nito. Samantalangg si Agatha ay tahimik lang sa gilid ng Donya.

Niyakap ni Shiela ang Donya at tumingin ng masama sa akin. "This all your fault bitch!"  Matapang  na sigaw nito sa akin.

Naikuyom ko nalang ang aking kamao dahil sa sinabi nito.

"Shut up Shiela! Say that again and I swear.." Nagbabantang sigaw ni Caleb sa babae.

Tumawa ng pagkapait-pait si Shiela "Nagpapakababa ka ng dahil sa babaeng yan! Ano Caleb?! Pipiliin mo ang walang kwentang yan?! What are you?! God I can't believe this!"

"Can you stop bitching out Shiela? You're not helping! You better shut your mouth if you don't want me to shut it." Hindi na nakatiis na sabat ni Agatha.

Hinawakan ni Caleb ang aking kamay sa harap ng ina niya. "Mom I don't know what I can do if you still continue your plan. Your stupid plan won't work on me. Trust me. Stop meddling in my life." May halong pagtitimpi na banta ni Caleb.

Halos mahimatay sa galit ang ina ni Caleb dahil sa inaakto ng kanyang anak. Hinila ako ni Caleb palabas at isinakay sa kanyang sasakyan. Nang nakasakay na siya ay agad niya akong niyakap.

"God I don't know what to do when I found out about  the news. I even kneeled in front of your family just to get into you. Damn." Nagulat ako sa isinuwalat niya pero hindi ko parin magawang makapag salita dahil ang bilis ng nangyari.

"Caleb sa tingin ko hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Tama na 'yong mga pasakit na naidulot ko sayo. Siguro nga ako ang magiging dahilan ng pagkabagsak mo. Siguro...." Hindi ko na naituloy dahil napahagulgol nalang ako sa sakit.

Gusto kong mag tay sa tabi niya. Gusto ko na sa mga oras na masaya siya ay kasabay niya ako sa pagtawa. Na kapag malungkot siya ay katabi niya ako para yakapin siya. Na kapag galit siya ay nandoon ako para pakalmahin siya.

He hugged me tight like someone will get me from him.

"That won't do Mary. Run from me and I won't stop chasing you. Hide from me and I will find you. Do whatever you want but you will still end up with me. You belong with me."

Pinipilit kung kumawala sa yakap niya ngunit sadyang mas malakas siya kaya  wala larin akong nagawa.

"Parati nalang ba na ibang tao ang iintindihin mo?"

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon