Tatlong buwan ang ginawang paglalakbay ni don pedro bago natagpuan ang landas paakyat ng bundok tabor. Hindi nakayanan ng kanyang kabayo ang hirap kaya nasawi ito. Hindi naglaon ay natagpuan din ni don pedro ang piedras platas. Namangha ang prinsepe sapagkat kumikinang itong tila diyamante. Labis ang kanyang pagtataka dahil isa man sa laksa-laksang ibon na nagdadatingan ay walang nagtangkang dumapo sa puno. Matagal na naghintay si don Pedro hanggang sa nakatulog. Hindi na niya namalayan ang pagdating ng ibong adarna. Humapon ang mahiwagang ibon sa sanga ng piedras platas at agad nagpalit ng balahibo.
Nakasanayan ng ibong adarna na dumumi bago tuluyang matulog. Ang ipot ng ibon ay pumatak sa ulo ng natutulog na si don pedro. Isang iglap lamang at ang prinsepe ng berbanya ay naging isang bato.
Hi, update ulit ako! Promise ko dalawang magkasunod ang gagawin ko kaya heto na...
Vote and comments kayo.
Salamat.
BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA
Adventuremarami sa atin na kinagigiliwan pa ring basahin ang ibong adarna kasi sobrang ganda talaga ang kuwento nito, kaya gagawa ako ng istorya ng ibong adarna sana po basahin niyo po itong kuwento. ako po ay baguhang writer lamang. thankiezzZ.... vote...