Humingi ng limos ang leproso kay don Juan. Ipinagkaloob ng prinsepe sa matanda ang natitira niyang tinapay. Nalaman ng leproso ang pakay ni don juan sa lugar na iyon. Nagbilin siya kay don juan na huwag masilaw sa kinang ng piedras platas at sa halip ay tumanaw sa ibaba upang makita ang isang dampa. Doon ay matatagpuan ng prinsepe ang isang ermitanyong makakatulong sa paghanap ng lunas sa sakit ng hari. Isinauli ng leproso ang tinapay kay don juan pero ayaw iyun tanggapin ng prinsepe. Narating ni don juan ang piedras platas at dahil sa pagkamangha ay muntik na siyang makalimot sa tagubilin ng leproso. Nagbalik ang diwa niya at nakita ang dampa. Nagtungo si don juan upang humingi ng tulong sa ermitanyo. Laking pagtataka ng prinsepe ng makita sa loob ng dampa ang ibinigay na tinapay sa leproso. Sa kabila ng hiwagang nararamdaman ay buong pagtitiwala pa ring nakinig ang prinsepe sa payo ng ermitanyo. Natuklasan niya na ang ibong adarna ay isang engkantada. Malalim na ang gabi kung ito ay dumapo sa piedras platas. Pitong beses na umaawit ang ibon at pitong beses ding nagpapalit ng balahibo. Sa oras na umawit ang ibon ay kailangan niyang hiwain ang palad at pigaan ng dayap upang malabanan ang antok. Bago matulog ang ibon ay dudumi ito at kailangang maiwasan niya iyon upang hindi maging bato.
Ibinigay ng ermitanyo ang sintas na ginto para magamit niyang panghuli at panggapos sa ibon.Hello readers ko salamat sa pagbabasa dito sa kwento ko, ito ay hango sa pinanood kong movie nina late dolphy, hayy! Ang ganda kasi kaya naman ginawa ko sana naman po nagustuhan niyo.
Medyo kasi ginaganahan akong magkwento at magtype eh..Thanks again!!
Vote and comments.
BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA
Adventuremarami sa atin na kinagigiliwan pa ring basahin ang ibong adarna kasi sobrang ganda talaga ang kuwento nito, kaya gagawa ako ng istorya ng ibong adarna sana po basahin niyo po itong kuwento. ako po ay baguhang writer lamang. thankiezzZ.... vote...