Ang kagila-gilalas na ibong adarna

1.1K 3 0
                                    

Nasa ilalim ng punong piedras platas si don juan. Hindi siya napagod sa paghihintay hanggang sa lumalim na ang gabi. Humapon na rin sa wakas ang ibong adarna sa puno ng piedras platas. Kahanga-hanga ang taglay na gilas at kariktan ng ibon na labis na nagpahiwaga ng daigdig. Nagsimula na itong umawit at nagpalit na rin ng kulay ng balahibo. Napahikab si don juan nang marinig ang awit ng ibon.
Hiniwa ni don juan ang palad sa pamamagitan ng labaha at pinigaan ng dayap ang sugat. Tila pinanawan siya ng bait sa tindi ng sakit kaya't tuluyang nawala ang kanyang antok. Pitong awit ng ibon ang katumbas ng pitong sugat ni don juan sa palad. Dumumi ang ibon ngunit naiwasan ni don juan na mapatakan ng ipot upang hindi siya maging bato. Natulog na ang ibong adarna na nakabuka ang mga pakpak at dilat ang dalawang mata kaya mapagkakamalang gising pa ito. Marahang umakyat sa puno si don juan dala ang sintas na ginto. Agad niyang sinunggaban ang ibon upang maitali sa paa. Dinala ni don juan ang ibon sa dampa at natutuwang hinimas pa ito ng ermitanyo saka ikinulong sa hawla.



Hehehe,, galing naman!

Vote and comments.

IBONG ADARNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon