Sa libis ng isang bundok ay sumulpot ang isang matandang ermitanyo at natagpuan si don Juan na nakahandusay sa lupa. Walang malay si don Juan at bakas pa rin ang pagkalamog ng katawan.
Matinding habag ang naramdaman ng ermitanyo sa sinapit ng prinsepe na kulang na lamang ay datnan ng kamatayan sa pook na iyon.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman niyang ginamot ang mga sugat ng kawawang prinsepe. Iglap na naglaho ang mga sugat ng prinsepe sa katawan.
Tila diyos ang tingin ni don Juan sa matandang ermitanyo dahil sa isa na namang nasaksihang himala.
Niyakap niya ang ermitanyo at malugod na nagpasalamat sa pagliligtas sa kanyang buhay.
Nais niyang gumanti ng utang na loob dito ngunit iyon ay itinuring ng ermitanyo na isang kawanggawa.
Inutusan ng ermitanyo na umuwi sa kanilang kaharian si don Juan upang iligtas ang buhay ng ama. Nagmamadaling tinahak ng prinsepe ang daan pauwi ng berbanya.
Musta naman kayo guys??
Vote/comments/share...
BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA
Adventuremarami sa atin na kinagigiliwan pa ring basahin ang ibong adarna kasi sobrang ganda talaga ang kuwento nito, kaya gagawa ako ng istorya ng ibong adarna sana po basahin niyo po itong kuwento. ako po ay baguhang writer lamang. thankiezzZ.... vote...