Nasa gitna ng kagubatan si don Juan at tila papanawan na ito ng bait sa tindi ng hirap na dinaranas.
Maga ang buong katawan niya, may pilay sa tadyang at matindi ang nararamdamang gutom at pagkauhaw.
Wala siyang makitang kaligtasan o maaaring makatulong kaya anumang oras ay maaari siyang mamatay. Tanging panalangin ang huli niyang pag-asa. Nagdasal siya sa mahal na bathala upang humaba pa ang kanyang buhay at iligtas ang amang may karamdaman.
Hindi niya mapaniwalaan ang ginawa sa kanya nina don Pedro at don Diego sapagkat para sa kanya ang karangalan nilang tatlo ay iisa.
Kaya niyang ipagkaloob ang ibong adarna sa dalawang kapatid kung iyon ang hangad ng mga ito at hindi na siya kailangang pagtaksilan pa. Naalala niya ang mga magulang lalo na ang kalagayan ng ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat.
Naalala niya sa gitna ng paghihirap ang bayang sinilangan, ang palasyong kanyang kinalakhan at ang
pag-aaruga ng mahal nilang ina na malabis na niyang pinananabikan.Hi sa inyong masugid kong nagbabasa ng kwento ko, maraming salamat po sa pagtangkilik sa ibong adarna story ko....
Vote/Share...
BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA
Adventuremarami sa atin na kinagigiliwan pa ring basahin ang ibong adarna kasi sobrang ganda talaga ang kuwento nito, kaya gagawa ako ng istorya ng ibong adarna sana po basahin niyo po itong kuwento. ako po ay baguhang writer lamang. thankiezzZ.... vote...