Ang kabiguan ni don diego

1.4K 0 0
                                    

                   Hindi na nakabalik si don pedro sa kaharian ng berbanya kaya inatasan ng haring fernando ang ikalawang anak na si don diego na hanapin ang kapatid at hulihin ang ibong adarna. Limang buwan ang naging paglalakbay ni don diego at dahil sa hirap ay namatay din ang kanyang kabayo. Nagpatuloy sa paghahanap ang prinsepe bitbit ang kanyang baon. Hindi niya inaasahang narating na pala niya ang piedras platas. Namangha rin siya sa kagandahan nito at labis na pinagtakhan kung bakit walang dumadapo isa mang ibon sa kahoy na kumikinang. Nagpahinga si don diego sa isang batong naroon hanggang sa dumating ang ibong adarna. Nasaksihan niya ang pitong beses na pag-awit at pagpapalit ng kulay ng balahibo ng ibon ngunit sa lamyos ng tinig ng mahiwagang ibon ay inantok at napaidlip si don diego. Napatakan siya ng ipot ng mahiwagang ibon hanggang sa siya'y naging bato. Nagmistulang libingan ang ilalim ng piedras platas sapagkat magkatabi ang dalawang prinsipeng kapwa naging bato.

Ok. Ito na po ang promise ko sa inyo guys, dalawang magkasunod medyo di busy si ms. Author kaya sinipag ako ngayong araw! Hahaha.
Sarreh sa mga wrong typos ah!

Vote and comments lang kayo hehehe wag kayong mahiya, joke!!!!

Bye for now....

IBONG ADARNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon