Nakabalik ng berbanya si don Juan. Namutla sina don Pedro at don Diego ng makita ang bunsong kapatid. Agad lumuhod sa harapan ng hari si don Juan habang nakaratay pa rin sa higaan ang ama. Umawit ang ibong adarna at inilahad ang buong katotohanan.
Pitong ulit itong nagpakitang gilas ng pagpapalit ng balahibo habang isinasalaysay ang mga pinagdaanang hirap ni don Juan hanggang pagtaksilan ng dalawang sukab na prinsepe. Matapos ang ikapitong awit ng ibon ay tila hindi man lamang nagkaroon ng karamdaman ang hari at bigla itong nakatayo.
Sa labis na kagalakan ay niyakap niya si don Juan at hinagkan pati ang ibon.
Tinipon niya ang mga kawal ng palasyo upang hatulan na ipatapon sina don Pedro at don Diego bilang kaparusahan. Nahabag si don Juan sa mga kapatid kaya agad na lumuhod sa harap ng ama. Inihingi niya ng kapatawaran ang dalawang kapatid.
Lumambot ang puso ng hari dahil sa kababaang loob ng kanyang bunso.
Pinatawad ng hari ang dalawang prinsepe sa pangakong hindi na mauulit ang kataksilang iyon sapagkat sa susunod ay kamatayan na ang magiging kapalit.
Labis ang kagalakang niyakap ni don Juan ang dalawang kapatid.
Nagbalik ang kasiyahan sa buong palasyo dahil sa tuluyang paggaling ng hari na naging aliwan ang
pag-awit ng ibong adarna.
Pasensya na sa inyo kung masyadong matatagal ang pag-a-update ko kase alm niyo na mraming ginagawa so ms. Author kya gnun!hehehe...
Vote/comments/share
BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA
Adventuremarami sa atin na kinagigiliwan pa ring basahin ang ibong adarna kasi sobrang ganda talaga ang kuwento nito, kaya gagawa ako ng istorya ng ibong adarna sana po basahin niyo po itong kuwento. ako po ay baguhang writer lamang. thankiezzZ.... vote...