Sad Story.😭💔
Namatay dahil sa league of legends story.Hello, ako yung lalaking nag confess. Salamat sa pinsan ko at napost. Gusto ko lang ishare yung not so happy love story namin ng waby ko. (callsign namin is waby = by for baby wa kasi mahilig sya mag waaaaaa!) 16 years old ako ng makilala ko si Dan, (short for danica) 1st year college ako at 4th year HS sya. Nakilala ko sya nung nagkalaban kami sa league.
(Sa chat)
Ako: Hoy annie, babae kaba?
Sya: Bat mo alam
Ako: malamang sa pangalan mo (IGN nya)
Sya: K.
Ako: Aba taray hahahaha!
Sya: (First blood!) Pwe weak
Ako: Di ah, mahal kasi kita kaya nagpakamatay ako hahaha!
Yes, 2014. Di ko alam pero willing ako makilala ka. Makilala kahit sa personal, breezy na kung breezy pero ginawa ko talaga. Inadd ko sya sa LoL, pati sa FB. Thanks God! Pumayag sya.
Ang nakakatuwa pa dito, pareho lang pala kaming taga Caloocan. Kumbaga isang sakay lang. Kaya ayun! walang problema. Pareho rin pala kami ng school na pinasukan. So may mga mutual friends din kami in personal.Lahat ginawa ko, sinusundo ko sya sa school nya, hinahatid nakikipag kaibigan sa mga kaibigan nya, nagpapapogi para mapansin nya at syempre nagpapapogi kapag naglalaro na.
Since pareho kaming Mid Laner, pinush kong mag adc sya at mag support ako. naalala ko nga sabi nya sakin eh.
Sya: Bat ba pinipilit mo mag bot tayo? Ano ba kita?
Ako: Syempre ang magiging asawa mo. *winks*
Sya: (kulay kamatis)
Hahaha, cute nya dun. Kasi kunwari di sya kinikilig eh.
2015, halos isang taong panliligaw rin sinagot nya na ako.Syempre may bless ni tito at tita. Pinilit kong maging matapang sa harap ni tito para mapatunayan kong mahal ko sya! SA ISANG TAON naming pagprapractice at pagiging duo sa bot nahulog na kami pareho sa patibong ni kupido. March 5, 2015. Happiest day of my life. :) Official duo for life na kami! Sa isang taong pgtyatyaga ko nakamit ko narin yung Oo ng asawa ko. Ay este mahal ko. Overnight sa shops, Foodtrip sa Victory Mall, Bili ng skins, bili ng merc sa LoL, bili ng teemo hat, bili ng ganito ganyan, pasyal doon, kain don, yakap dito, halik doon. Sobrang saya namin. Supportado ng buong pamilya namin. Kinikilig ako kapag naaalala ko yung kinakantahan nya ako ng "anong pipiliin mo? Si Ahri o ako?" kasi ang cute cute cute nya. Cute nya magalit kapag bano ko magsupport, Cute nya tumalon kapag nananalo sa tournament twing taon. Iniisip ko nga ako ba ang support dito? Kasi sa totoong buhay sya ang support ko.Inisip ko rin minsan anakan na to eh, baka kasi maagaw ng iba. Pero sinasabi nya "waby sarap muna bago hirap" hahahaha minsan tumatawag ng alanganing oras para tanungin kung "ano waby? Sona o ako?! Ahri o ako?!* Tapos tatawa nalang kami ng malakas pareho. Nakakamiss yung panahong KILL lang ang iniiyakan ko. Kapag ba bano ko magsupport at nagagalit sya. Naiiyak talaga ako. Pero ngayon, sya na iniiyakan ko. Dec. 3 the day bago sya mabangga, nasa sala kami.. Nakayakap sya habang nanunuod kami ng T.V naging malalim na pag-uusap namin
Sya: Waby, kapag ba nawala ako iiyak ka?
Ako: Ano ba naman yang tanong na yan? Syempre hindi!
Sya: (nainis look)
Ako: Hindi! Hindi ka nagkakamali, ano kaba? Di ka mawawala sakin.
Sya: Wala lang, para alam ko kung sakali by. Pag nawala ako si Sona at Ahri nalang pagpantasyahan mo ah? Wag ibang babae mumultuhin kita!
Ako: Tama na paranoid mo! Basta pag-uwi ko mamaya matulog kana at maaga pa tayo mang wawasak ng kalaban.
Kami: (Tawanan)
Kinabukasan, Nagpunta na ako sa shop. Nauna nako at bumili ng pagkain namin dahil alam kong gutom nanaman si dan. 8:00am nang nagtext ako.
Ako: Waby dito na ako, iloveyou dalian mo maligo baho mo.
Sya: Opo, 8:30 dyan na me. iloveyoutoo.
Nag isang game ako, (30 mins)
Ako: waby? san kana?
Sya: by, mga 11 na pala ako lalaba kami ni mameh.
Ako: okidoki by, text moko ah? sunduin kaya kita?
Sya: No need malaki nako mwa brb laba lang kami.
11am, nag pm ulit ako.
Ako: waby ano na ang tagal mo. Otw nako dyan.
Sya: Isa dalawa tatlo? Sinabing hindi na. Tatawag ako mag eexplain ako.
Yun pala eh dumating si tito, may importanteng bilin na wag muna aalis darating daw lolo nila pero papayagan naman daw nya.
So ako naglaro nalang alam ko darating sya.
5pm nag text si waby.
Sya: Otw nako waby, sorry mwa!
Ako: Ingat by oki?
Sya: opo!
6pm wala parin siya, nagtextext ako tawag wala parin talaga. Tinawagan ko na sila tita, pero umalis na raw. Kinabahan nako kasi ngayon lang nangyari yun.
Diretso ako sa jeep at sumakay papunta sakanila.
Pero bat ang traffic?
Bumaba ako at lalakarin nalang kasi sobrang tagal talaga..
Habang papalapit ako..
Nakita ko si Dan nabundol/nabangga ng truck. Gumuho ang mundo ko.. Nakita ko kasi yung mahal kong nakahiga duguan at pinagkakaguluhan ng tao.
Di ko na alam ang mga sumunod na nangyari.. Basta ang naalala ko sumisigaw ako ng "Waby gising! Hoy ano tinitingin nyo?! tumawag kayo ng doktor!!!!"
Hinihila ako ng mga tao palayo sa waby ko. di ako nagpapigil kasi mahal ko to!
Hinawakan ko ang pisngi nya at sinabi kong, waby.. punta tayo ospital lumaban ka. Pero di sya sumasagot. Di ako sanay di sya ganito, iyak lang ako ng iyak habang papunta ng ospital. Dead on arrival siya.
Nagsisisi ako, bakit kasi di ko sya sinundo? Bat pa kasi sya bumaba sa bilihan ng paborito kong pagkain? Bakit pa kasi di ko sya sinundo. Tangina sana buhay pa ang waby ko. Sinisisi ko ang sarili ko kasi ako ang dahilan nito. Ako. Ako. Ako. Unang araw ni waby sa burol parang ayokong lumapit. Kasi dapat makita ko sya sa simbahan naglalakad sa altar hindi sa salamin na puro bulaklak hindi dapat!!! Umiiyak ako ng umiiyak dahil di ko matanggap. Wala na yung babaeng minamahal ko ng sobra. Hanggang ngayon, di ko alam paano magsisimula. Magsisimula ng wala ka danica. Mahal waby, miss na miss na kita. Oo sobra. Imposible mang bumalik ka, hayaan mo magkikita rin tayo dyan. Miss ko na amoy mo, labi mo, tawa mo. Please kunin mo nako dito. Hirap na hirap nako. Mahal kita higit pa sa buhay ko. Please waby. Di ko na kaya to.
Girls, di lahat ng lalaki parepareho. Salamat at minahal ako ng waby ko. Salamat sa inyo, hanggang sa muli.(c)
YOU ARE READING
Real Love Because Of Game
RomanceMinsan talaga hindi lang sa facebook at sa Text lang may makikilala kang na mag mag manahal sayo minsan nasa laro rin kaya dapat pahalagaan mo ang nag mamahal sayo