Chapter 4 : Love in the moonlight

577 31 5
                                    

Georgina Ethane Chantria

O.O

Huminto ng limang segundo ang puso ko. Hindi ko alam ang sunod na gagawin ko. Kung uupakan ko ba o tatadyakan ko.

"Hoy! Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Itinulak ko siya at sinapak ko, nginisian niya lang ako.

"Aray! Ang sakit non ha! Pero naniniwala ka na?" Baliw talaga tong lalaking to.

"Hindi! Papasok na ako! Goodnight!" Naglakad na ako papunta sa loob ng bahay. Akala niya madadaan niya ako sa paganon ganon.

Ilang saglit ay may humigit sa braso ko.

Dug.Dug.Dug .Dug.Dug

May problema ba tong pusong to?

Inilapat ni Valierre ang kamay ko sa dibdib niya. May sapak ba talaga tong taong to?

"Nararamdaman mo ba? Hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi na lang bumibilis ang tibok ng puso natibg dalawa kapag magkasama tayo?" Sabi niya na seryoso ang mukha. Pero bakit nga ba?

"Nagtataka. Eh anong gusto mong gawin ko?" Alangan namang ipahinto ko ang pagtibok nito edi namatay ako? Lokong to.

"Wala. Sige pumasok ka na" Tss hihigitin ako tapos iiwanan.
------------

Nang makapasok na ako sa kwarto namin ay nagkakagulo na.. pinipigilan nina Fiminy, Tamira, Zendee si Ashmiree.

"Wag nyo siyang hahayaang makawala!" Sigaw na sabi ni Tamira.

"Anong nangyayari?!" May pagaalala kong tanong sa kanila. Lalapit na sana ako ng magsalita si Zendee

"Wag .. wag kang lalapit.. baka masaktan ka niya."

Kulay pula ang mga mata katulad ng dugo...

May kinuha si Fimini sa bag niya na panturok at itinurok ito kay Ashmiree.

"Patulugin na muna natin siya..." sabi ni Zendee. Ano ba talagang nangyayari..

"Pwede bang magtanong? Anong nangyari kay Ash?" Nagkatinginan muna silang lahat bago ako sagutin..

"Ah ano kasi.. kapag sinabi namin sayo sana hindi magbago ang tingin mo samin ha.." Sabi ni Zendee na may pagaalala sa mukha niya.. Tumango ako sa kanila..

"Mga bampira kami....."

O.o
o.O
O.O

"Halos lahat ng estudyante sa Valeirre University ay bampira.. sa katunayan ang pangalan talaga ng school ay Vampire University.."

Nakanganga lang ako habang nagkukwento sila..

"Lahat ng bampira ay may kanya-kanyang gamot para maging tao pero may limitasyon.. 12 hours lang ang bisa nito.. maagang nagturok si Ash kaya naubos kaagad ang bisa.. at naaamoy niya ang dugo mo kaya nagwala siya.."

Pagpapatuloy pa nila.

" Sa amin kilala si Foxx Eethon Valierre at ang mga kasama niya bilang Vampire Princes.. Pero pinakamataas ang posisyon ni Kai.. medyo may pagkaabuso din yon sa kapangyarihan dahil kapag hindi mo sinunod ang mga utos niya gagawa siya ng paraan para mapatalsik ka sa unibersidad na to.."

Tss. Vampire Prince yung lalaking yon? Malabo pa sa plastic labo!

"Si Valierre? Vampire prince? Tss nagpapatawa ba kayo?" Nakakatawa pati pangalan niya ! Foxx ! Laughtrip! >_<

"Sa maniwala ka't sa hindi sila ang may ari nitong forest na to" natatawa pang saad ni Zendee

"Sige ipagpatuloy nyo na kwento nyo"
Kokonti pa lang nalalaman ko eh.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon