Chapter 11 : Dinner date

376 22 0
                                    

Georgina Ethane Chantria

"Bahay mo ba talaga yon? Ba't hindi mo alam na wala palang mga pagkain doon" sabi ko habang kumuha ng mga ingridients at iba pang pagkain.

"Aba malay ko minsan umoorder na lang ako, mapapagod lang ako pagnagluto at isa pa di ako marunong" napahinto ako upang lingunin siya at sa di inaasahan ay nabangga niya ako.

"Ba't ka huminto?" Gulat na tanong niya.

"Hindi ka marunong magluto?" Nailang siya sa tanong at napalunok.

"Ah eh.. eh ano naman kung hindi ako marunong atleast nabubuhay pa rin!"
Saad niya sabay nilampasan ako, napatawa na lamang ako sa inasta niya.

"Saglit intayin mo ako." Binilisan ko ang paglakad at sumunod sa kaniya.

Nang matapos ang aming pamimili ay biglang sumakit ang kamay ko dahil sa dami ng mga pagkain at ako lang ang nagbitbit. Gentle dog eh.

"Psh akin na nga yan. Ikaw ang kumuha kuha eh hindi ko naman kailangan" kinuha niya ang mga bitbit ko atsaka dumiretso sa bahay nila. Napangiti na lang muli ako.

"Wag ka ngang maarte diyan" umuna ako sa paglalakad at pinagbuksan siya ng pinto. Grabe may password pa ang bahay niya. Kabirthday ko pala siya. December 8 din.

"Hay, gutom na ako" pagmamaktol niya habang nakahiga sa sofa.

"Umidlip ka muna gigisingin na lang kita pagtapos na niluto ko." Tumango siya at pumikit.

Sinimulan ko ang paghahanda ng mga gagamitin ko at nagsimula na sa pagluluto. Habang naghihiwa ako ng sibuyas ay hindi mapigilan na magluha ang mga mata ko at sa di inaasahan ay hindi ko namamalayan na nahiwa ko na ang daliri ko. Kaagad kong hinugasan ang daliri ko.

Napalingon ako sa kinatatayuan ni Valierre at laking gulat ko ng nasa tabi ko na agad siya. Pula ang kaniyang mata at may pangil na lumabas mula sa kaniyang bibig.

"V-valierre... a-anong ginagawa mo?" Nakaramdam ako ng takot dahil sa mga nakikita ko.

"Pasensya na hindi ko kasi mapigilan eh. Pero wag kang magalala di kita kakagatin. Lagyan mo na lang ng band aid." Itinuro niya ang isang cabinet at dali dali akong tumakbo para kunit ang band aid.

"Ba't di ka nagsalita na gising ka na pala?" Tiningnan ko ang niluluto ko at lumingon muli sa kaniya.

"Nakaamoy kasi agad ako ng dugo. At hindi iyon pangkaraniwang dugo lamang. Nakakaadik ang amoy ng dugo mo." Nagulat ako sa mga sinasabi niya.

"H-ha? Hindi mo naman ako sasaktan diba?" Tumingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ko iyon dahil nalalaman ko ang katotohanan sa mga mata.

"Sorry kung natakot kita pero pinipigilan ko ang sarili ko na wag kang masaktan at hindi ko hahayaan na masaktan ka." Tumango ako at ibinaling ang atensyon ko sa pagluluto.

"Upo ka muna diyan malapit na tong maluto." Sana nga mapigilan mo ang sarili mo dahil nakakaramdam na ako ng takot.

"Wag kang matakot, pangako hindi kita sasaktan" tila mapapasuka ako sa sinabi niya.

"Wag ka ng mangako dahil baka mapako lang yan." Lumingon ako sa kaniya na dala ang adobong manok.

"Eh pano pag nagawa ko?" Nakangiti nitong sabi sakin.

"Edi magaling" inilapag ko ang adobo sa lamesa.

"Ang bango naman niyan." Ngunit hindi pa rin nagbabago na ang kaniyang itsura.

"P-pero bakit hindi ka pa nagbabago?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Gwapo kasi ako" tss. Kapal. Sinaman ko siya ng tingin at binigyan ng adobong manok.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon