Chapter 12 : Sick

390 21 2
                                    

Georgina Ethane Chantria

"Wow.."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa suot siya. Sa sobrang tangkad niya bitin yung pajama at yung t-shirt ko malapit ng maging crop top. Pinigilan ko ang aking pagtawa.

"Tss. Bakit kasi ang liit-liit mo? Ang baduy tuloy ng suot ko." Inirapan ko na lang siya.

"Noodles oh, para mainitan ang tyan mo." Umupo siya at tinitigan ako.

"Ito lang ba ang kinakain mo dito?" Sumama bigla ang tingin niya sakin. Dahan-dahan akong tumango.

"Oo. Pag may pera at tsaka pag may free time pa ako mamimili eh."

"Alam mo bang pwede kang magkasakit sa kanu-noodles mo? Bat di ka agad nagsabi? Tss. Bukas na bukas bibili tayo ng mga kailangan mo" sabi niya habang hinahalo ang noodles.

"Eh wala pa nga akong pera eh. Tsaka busy ako bukas after school may itututor ako tapos may trabaho ako sa resto."

Tumingin siya sakin habang puno pa ang kaniyang bibig at ngayon nakakatawa na naman ang itsura niya. Para siyang rabbit.

"Ang sinabi ko ay sinabi ko. Bukas pagkatapos ng trabaho mo iintayin kita at tsaka tayo mamimili." Ang kulit din naman ng taong to.

"Ayos na naman ako sa noodles eh atsaka may de lata pa ako diyan. Magaaksaya ka lang sa oras mo" Wala pa din akong pera eh.

"Sayo ayos lang sakin hindi. Kaya wag ka ng magsalita diyan kung ayaw mong ipaamoy ko medyas ni R sayo." Kadiri din tong lalaking to.

"Kadiri to! Ubusin mo na nga yan!" Tumayo ako at sumilip sa bintana. Malakas pa rin ang ulan at paniguradong hanggang umaga ito.

"San ako matutulog?"

"Anong saan? Uuwi ka no! Makikitulog ka pa dito sa bahay ko? Meron ka namang sariling bahay. Tss." Pumunta ako sa may tabi ng pintuan at ikinuha siya ng payong. Iniabot ko ito sa kaniya.

"Para san yan?" Baka pang hukay.

"Try mong ipanghukay. Tss. Magpayong ka pauwi!" Basta hindi siya matutulog dito.

"Ano? Nakamotor ako tas pagdadalahin mo ako ng payong habang nagdadrive?" Kailangan pa bang itanong kung kelan obvious na?

"Oo." Sabi ko habang binabasa ang magiging reaksyon niya.

"Oh." Inabot niya pabalik sakin ang payong. Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin.

"Dito ako tutulog sa ayaw at gusto mo."

"Ano? Di pwede!" Tinalikuran niya ako at dumiresto papunta sa sofa. Bago pa siya makapunta doon ay hinarangan ko agad siya.

"Bakit ka ba dito tutulog? Pwede ka namang magpayong pauwi ah?" Sabi ko habang nakaharang pa rin sa kaniya.

"Masama ang pakiramdam ko at ngayon ay larang nasusuka na ako kaya pwede ba anliit mong harang eh" Nilampasan niya ako at sinundan ko naman siya. Nang humiga siya ay hinawakan ko ang noo niya at noo ko. Ipinagkumpara ko ang temperature niya at ng akin. Maiinit nga siya.

"Alam ko namang mas malapad yung sayo." Nakakailan na to ha isa pa. Nako sa labas ko to patutulugin.

"Nye nye..Diyan ka lang ha. Kukuha lang ako ng kumot at thermometer." Tumango lang siya at nagpunta na ako sa kwarto para kunin yung kumot ko na makapal. Hinanap ko din sa medicine kit ko ang thermometer.

Bumalik ako sa kaniya na dala ang kumot at thermometer. Inilagay ko sa kaniya ang thermometer at maya maya'y tumunog na ito. 38.6 ang temperature niya. Kailangan niya ng gamot.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon