Chapter 5 : Closer

576 28 3
                                    


Georgina Ethane Chantria

~k i n a b u k a s a n~

Maaga akong nagising dahil magkakaroon daw ng paglilinis. Ang aga aga hindi muna kami pakakainin. Nakakabwiset.

Nagwawalis ako malapit sa forest. Nagkalat ang mga estudyante na naglilinis sa field. Hindi ko pa rin makita si Valierre. Tsk. Nasan na ba yun?

"Ah Miss. Lumabas na po ba si Valierre?" Lumapit ako sa isang nagbabantay samin. Maduga din yung lalaking yun ayaw maglinis. Tsk.

"Oo nakita ko siyang naglakad papuntang forest may kasama siyang babae eh." Ha? Sino namang babae? Tss mas inuna niya pa ang pangbababae kesa sa activity na to? 

"Sige po, Salamat Miss" nginitian ko siya at bumalik sa paglilinis. Ilamg saglit ay napagpasyahan ko na hanapin ko si Valierre

Nakita ko si Valierre na nakatayo at animo'y may kausap. Lumapit ako at nagtago sa may halamanan.

" Alam ko na kung sino ang nakatadhana na makakapagpalaya sakin"  boses yun ni Valierre eh. Ayokong maging chismosa pero gusto ko lang malaman kung sinong kausap niya.

"Pero alam niya na ba? Alam na din ba niya ang mangyayari sayo kapag nawala na ang kapangyarihan mo?"

"Hindi na mahalaga yon. Basta ang mahalaga nakita ko na siya."

"Alam na ba to ni Ama? Kailangan mong ipaalam sa kanya to para sa pagpapasa ng trono." 

Ama? Trono? May kinalaman kaya to sa pagiging panget na bampira niya? Sino naman yung kausap niya? Baka girlfriend? Bat ang chismosa ko? Hays!

Tumingin ako sa pwesto nina Valierre pero may nagsalita sa likod ko.

"Miss. Share mo naman ang nalakap mong balita"

Bigla akong natumba sa gulat. Nakita ko naman ang nakangisi na si Valierre! O.O

P-pero..

Lumingon ako sa pwesto niya kanina at wala na siya don. Tumingin ako sa kaniya at hindi pa rin makapaniwala sa ganoong kabilis na pangyayari.

"P-paano.. N-nandon ka eh.. Pakshet ang bilis non ha!" Tumayo ako at tinawanan lang niya ako.

"Gwapo kasi ako" Ha? Anong konek? Abnoy.

"Utot mo pink! Ang daya mo naman nakikipagchismisan ka tapos kami tagaktak na ang pawis! Wow ha! Tsk." Napamewang kong sabi sa kanya sabay irap.

"Sus tagaktak na yang tayong yan? Wow rin ha!" Binelatan ko na lang siya at umuna na para maglinis.

"Bilisan mo nga dyan! Maglinis ka dito!" Sinigaw ko sa kaniya at hindi na muling tumingin. Isang iglap ay nasa una ko na siya at binelatan din ako.

Aba!

Sa tuwing magwawalis ako at iipunin ko yung mga dahon ay ikakalat naman ito ni Valierre. Nakakasura na.

"Ano bang problema mo? Gusto mong masapak?" Pagbabanta ko sa kaniya.

"Weh? Kaya mo? Try n- Aray!" Sinapak ko lang naman siya pero di gaanong kalakas.

"Arte mo ikaw naman naghamon" Pinagpatuloy ko ang pagwawalis at hindi na siya pinansin.

"Aray!" Pinitik niya kasi ang noo ko!

"Ano ba? Gusto mo talagang masampolan?" Nanggigigil ako sa lalaking to.

"Akala ko kasi may lamok sa NAIA."

Anong NAIA? Airpory yun ah! Aba noo ko Airport!? Di proper yon!

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon