Chapter 3 : In the woods

642 27 0
                                    

Georgina Ethane Chantria

"Ma aalis na po ako."

Umuwi muna ako sa bahay nina Mama. Stepmother ko siya. Kasama ang anak niyang si Milledrid parehas silang mahigpit pag dating sakin. Ewan ko ba kung bakit, wala naman akong ginagawa sa kanila sila itong humahanap ng paraan para pahirapan ako.

"Pwede ba ? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita anak kaya wag mo akong tawaging Mama!"

Okay. Wala naman din akong balak maging anak nyo. Buset.

"Pake ko ba"
Syempre hindi ko yan sinabi nagpatuloy na lang akong naglakad papunta sa bus stop.

---
Makalipas ang 5 minuto ay nakasakay na ako sa bus at wala akong maupuan dahil puno ang bus at wala akong choice kundi ang tumayo.

Nay! Ano ba naman to ayaw magdadahan dahan eh.

Nak ng... Pag ako nalate sisisihin kitang driver ka!

Ano ba yan! May nangdadali sa likod ko at nahawakan niya yung pwetan ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi ko maibaling ang ulo ko dahil sa kadamihan ng tao.

Hindi talaga ako natutuwa.

Bigla nalang akong may naramdamang nakaharang sa likod ko para bang sinasalo na ako. Bawat hinto ng bus ay siya ang sumasambot sakin. Kitang kita ko ang ugat sa braso niya kasi nakahawak siya sa dalawang upuan. Na hindi ko naman makahawakan dahil may hawak ako at hindi ko iyon mailalapag dahil puno na rin ang baba.

Pagbaba ko ay alam kong nakasunod siya sakin. Hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglakad papunta sa school at napansin kong sunusundan niya ako.

Dahan-dahan kong itinaas ang aking bag at pumikit ng madiin.

Inihampas ko sa kanya ang bitbit kong bag.

"Aray! "

"Bastos kang manyak kang baliw ka!"

"Hoy hindi kita inaano diyan ha wag kang ano! Argh! Ansakit nung ginawa mo ha" Nakita ko namang may dugo sa kilay niya. Naalala ko nga pala may key chain akong dream catcher. Baka tumama yun sa kanya. Buti nga.

"Akala mo maloloko mo ako? O baka gusto mong ipaalala ko pa sayo! Ikaw lang naman ang nanghawak sa pwet ko!"

"Tss. Baka nga ako pa ang sumagip sayo eh."

A-ano daw?

"A-anong sabi mo?"

"Ako lang naman ang sumangga sa nanghawak ng pwet mo at alam mo bang ang bigat mo? Kung makadagan ka kanina kala mo gaan gaan mo tas pagbaba yun pa isasalubong mo? Kris at your service madam" sabay ngisi.

Oo nga naman hindi siya mukhang manyak. Matangkad , mukhang mayaman, makinis, maganda ang mga mata niya. Basta parang perfect na.

"S-so hindi ka pala yun? Ah hehe . Sorry. Hala naku! Late na ako! Bye! Salamat!" Sana sumakay ka sa palusot ko.

"Ops Ops. Akala mo ganon lang yon? Nakikita mo ba tong hiwa sa kilay ko? Maghihilom ba to sa thank you at sorry mo? " Nayyyy . Malelate na talaga ako.

"Huh? Malelate na ako ! Ano bang gusto mong gawin ko? Ipadala ka sa ospital? Malelate na ako sa activity namin!"

"Tara na!" Sabay higit niya sakin.

"T-teka hoy!"

---
"Hindi mo sinabi sakin na kasama ka rin pala dito."

"Masasabi ko pa ba kung nahampas mo na agad ako? Galing din eh . "

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon