Chapter 14 : Worried

537 21 13
                                    

Georgina Ethane Chantria

Madaling-madali sa pagpasok ang mga kaklase ko ng marinig na ang bell. Nagsiupuan sila ng makitang papasok na si Mrs. Selvestre.

"Okay class para sa activity natin ngayon hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, boys vs. girls. Magpalit na kayo at pagkatapos ay pumunta kayo sa gymnasium." Magulong nagsilabasan ang mga kaklase ko.

Malamya akong labas at may bigla na lang humampas sa likod ko ng pagkalakas-lakas. Muntik pa akong madapa dahil sa malakas niyang paghampas. Pag tunghay ko nakita ko agad ang likod ni Valierre at nakapamulsa pa.

Dumiretso agad ako sa gymnasium dahil suot ko na ang p.e uniform ko. Napansin ko ang pagtitinginan ng mga nakakasalubong ko sa hallway. Ang iba sa kanila ay nagbubulungan at ang iba sa kanila ay nakatingin ng masama sakin.

Limang babae ang biglang humarang sakin. Halata sa kanilang pustura at galaw ang pagiging anak-mayaman. Ano naman kaya ang kailangan sakin ng mga ito? Base sa kanilang uniporme ay magka-batch laamang kami.

"So, ikaw pala si Georgina?"

Nagsalita ang babaeng nasa gitna habang ngumunguya ng bubble gum. Matataray ang kanilang tingin sakin lalo na itong nasa gitna.

"Anong kailangan nyo?"

Normal kong tanong sa kanila ngunit irap ang nakuha ko. Kung gulo man ang gusto nila kailangan yung gaganahan ako.

"Anong karapatan mo para landiin si Eethon? Eh di hamak na wala ka pa sa ganda ni Viviene! Feeling mo naman ang ganda ganda mo!"

Napataas ang isa kong kilay. Anong pinagsasasabi ng babaeng to? Baka gusto niyang ipasak ko sa bibig niya ang sapatos ko.

"Ano ba talagang kailangan nyo? May klase pa kasi ko, kaya kung wala kayong sasabihing maganda umalis na lang kayo sa dadaana ko ha?"

Napanganga sila at tamad akong lumakad sa gitna nila pero isang babae ang humigit ng buhok ko.

"Aray! Ano bang problema nyo?!"

Hinigit ako pabalik ng sumabunot sakin at may dalawang humawak ng kamay ko at tinakpan rin pati ang bibig ko. Paulit-ulit na sampal ang natanggap ko.

Pumipiglas ako sa pagkakahawak sa kanila pero sinuntok ako sa tyan ng isa. Nawalan ako ng lakas at unti-unting nanghina. Hindi na ako nakalaban pa. Dinala nila ako sa isang basement sa labas ng building.

Sa palagay ko ay isang lalaki ang nagbuhat sakin papunta doon. Tago ang lugar na iyon at kaunti lamang ang pumupunta don.

"Ipasok mo na yan"

Dinig kong utos ng babae sa lalaking nagbuhat sakin. Ipinasok ako at iniupo sa sahig. Para akong lantang gulay dahil sapagsuntok niya kanina. Gusto kong sampigahin ng malakas ang mga babaeng ito pero ayaw sumunod ng katawan ko.

Napansin kong nakatape na ang bibig ko at nakatali na rin ang mga kamay ko kaya hindi ako makapagsalita at makagalaw ng maayos.

"Kawawa ka naman Georgina! Alam mo bang pag nalaman ito ni Viviene ay hindi lang yan ang aabutin mo? Baka ipakidnap ka pa nga non eh"

Umupo ang isang babae sa harap ko at hinawakan ng madiin ang panga ko. Sa oras na makawala ako dito titiyakin kong hindi na ito makakapanuntok pang muli.

Naigalaw ko ang aking paa kaya mabilis kong sinipa sa dibdib yung babae. Dahil sa nangyari ay mabilis akong pinagtatadyak ng mga kasamahan niya.

"Nararapat lang yan sayo!"

Sa sobrang sakit ng tadyak nila ay tiniis ko na lamang ito. Pagsisisihan nila to kapag nakabangon na ako dito.

"Hindi lang yan ang mararanasan mo. Akala mo ba yun lang? Nagkakamali ka ng binangga mo babae."

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon