Chapter 6 : Leaving

519 24 0
                                    

Georgina Ethane Chantria

Nakarating kami sa school ng 5:45 am. Sabado ngayon kaya walang pasok at sa bahay ako uuwi ngayon. Nagpaalam sa akin sina Zendee kaya wala na akong kasama. Nakaupo ako sa hagdan sa harap ng school. Pinahiram ako ng nurse ng saklay para hindi ako mahirapang maglakad.

Paano na ako uuwi? Alangan namang gumapang ako pauwi? Bahala na si Batman!

May nagabot sa akin ng coke in can. Tumunghay ako at nakita si Kris na nakangiti. Nginitian ko na lang din siya at saka inabot ang coke.

"Bakit magisa ka rito? Hindi ka pa umuwi?" Sabi ko habang binubuksan ang coke pero di ko magawa. Bahagya namang siyang umupo.

"Pabukas naman" Inabot ko uli sa kanya ang coke. Nanghihina ako eh. Hindi pa ako kumakain ng umagahan

"Magbubukas lang hindi mo magawa pero pag manghahampas kulang na lang mangalas ang mga buto ko. Tsk" Binuksan rin naman niya ito. Pfft.

"Dami mong comments bubuksan mo din pala. Tss" Inom lang kami ng inom.

"Ayos na ba yang paa mo?"

"Hmm konti lang."

"Ahh..."

Binasag ko ang katahimikan naming dalawa.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Kami na lang kasi atang dalawa dito.

"Gusto mo na ata akong umalis eh. Eh ikaw bakit hindi ka pa umuuwi? Wala bang susundo sayo?"

"Hindi naman kita pinapaalis. Walang susundo sakin" At ngayon ay hindi ko alam kung paano ako makakauwi.

"Wala ka bang kasama?" Wala kanina pa magisa  lang ako.

"Wa-" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita sa harap. Si Valierre

"May kasama siya at ako yon" Anong kasama eh iniwan mo nga ako sa bus. Pektusan kita diyan eh!

"Hindi kita iniwan kinausap lang ako ni Miss tungkol sa nangyari sayo." Tss kahit na!

"So magkasama pala kayo. May kasama ka na G alis na ako ha? Kaya lang naman ako hindi umaalis dahil wala kang kasama. At ngayon..." sabi niya sabay tingin kay Valierre.

"Ahh ganon ba? Salamat ha? Ingat ka din."

Nang makaalis si Kris ay sinamaan ko ng tingin si Valierre. Tss.

"What?" What what ka pa dyan!

"Asungot ka! Hmmp!" Tumayo ako at naglakad.

"Sungit mo! Tara na! Hatid na kita. Hindi ka pa ba natatalo sa laro?" Anong pinagsasabi nito.

"Anong laro?"

"Piko" Sapakin ako ngayon na. Hagalpak naman ng tawa si Valierre.

"Pakasaya ka. Mautas ka sa tawa mong baliw ka" iniwan ko siya don ng tawa pa rin ng tawa. Kainis!

"Hoy! Joke lang yun!" Ang ganda nung joke. Nahiya si Vice sa joke mo.

"Sumali ka sa Funny Juan baka mapakinabangan ka pa. Ganda ng joke mo tol ah?" Inirapan ko siya at hindi ko namalayang nasa harap na namin ang kotse.

"Tss. Funny Juan? Ano yun? Sakay na."
Pimagbuksan niya ako ng pinto.

"Wag na. Kaya kong umuwi." Sige Georgina lakadin mo hanggang inyo baka abutin ka ng kinabukasan.

"Oo nga Panget baka abutin ka ng bukas. Hahahaha!" Nakakainis na.

Wala din naman akong magagawa.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon