Chapter 2 : Heart beat

864 36 1
                                    

Foxx Eethon Valierre

Nandito kami sa Dark room ito ang room para sa nga Vampire Princes. Napapangiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang itsura nya. Ang ganda. Sobra. Pero paano ko sasabihin na gusto ko sya? Na love at first sight ako? Tss. Nakaka-bakla yun pare. Iisip na lang ako .

"Guys. Alam kong hindi tayo normal na tao pero malay nyo pwede tayong sapian ng bad spirit diba? Katulad ng isang yan " Napatingin ako kay R na nakaturo sakin at may pag sign of the cross pang nalalaman. Tss .

Oo hindi kami normal na tao. Lahat ng nagaaral dito ay mga half vampire.  Yung iba oo , yung iba walang kamalay malay. Katulad na lang nung babae kanina.

"Anong nasapian? Gusto mong masapak? "

"Chill. Ikaw ba naman kasi tinatanong ka naman kung anong nangyari sayo. Tapos makikita ka lang naming tumatawa? Nakakatakot ka pare"

"Eh masaya ako eh. Pakialam mo ba? " Totoo naman eh napapangiti pa rin ako sa kanya.

"Hoy Valierre bakit ka nga ba hindi nakapunta sa gangfight natin? Ang ganda kaya ng pustahan natin bagong labas ng Audi  " Sabi naman ni Last . Wow . Eh kasalanan kasi nung babaeng yun. Pero ayos lang atleast nakasama ko sya kahit papano.

"Eh may babae kasi akong nakasagupa kanina. Suntukin daw ba naman ang sugat ko. Amazona ata yun eh."

Lahat naman sila napatingin sakin maliban kay Ivan na hawak na naman ang kanyang libro.

"Babae? Pffft. Hahaha! Sinong babae ang maglalakas loob na suntukin ang nagiisang Valierre?" Sabi ni  na tumatawa pa. Loko to ah.

" Sya malamang. Tss. Tara na nga lang sa classroom! Nakakawalang gana kayong kausap!"

Tumayo ako at alam kong hindi sila susunod sa akin. 

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa room at.... nakita ko sya na nakaubob at nasisinagan ng araw ang kanyang mukha at parang hindi siya makatulog dahil sa sikat ng araw.

May bisa pa naman ang gamot kaya okay lang.

Pumunta ako sa tapat nya at hinarangan ang sikat ng araw.

Ang ganda talaga nya. Ano ba ito? Yung tibok nito. Kakaiba. Grabe ngayon lang to tumibok ng ganitong kabilis.

Pero bakit ganon? Parang may kakaiba. Parang magkakonekta kaming dalawa? Napahawak ako sa dibdib ko. Sa tuwing malapit sya bumibilis ang tibok nito. Hay ano ba to?
---------

Georgina Ethane Chantria

Bakit ba naman magkaiba pa kami ng section ni Rian? Wala tuloy akong makausap dito.

*Yawn*

Inantok ako bigla. 20 mins pa bago ang time. Makatulog nga muna.

Ano ba yan?! Ang liwanag nam- yan okay na ! Hindi ko alam kung pano nawala ang sinag ng araw pero okay na yun di ko na poproblemahin.

*After 10 mins*

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko at laking gulat ko ng isang lalaki ang nakatitig sa akin at nakahalumbaba sa harap ko. 

"Mukhang ang sarap ng tulog mo ah? Teka saglit picturan kita *click* . Oh ayan may ang ganda mo pa rin kahit tulo na laway mo"

Hindi pa rin nag sink in ang mga sinasabi niya dahil hindi pa masyadong gising ang diwa ko. Pero ano daw tulo ang laway ko?!

Pinunasan ko ang tabi ng labi ko pero wala naman! Loko to ah!

"Pfft! HAHAHA!" Bigla naman syang tumawa.  Nakakainis na to ha.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon