Chapter 13 : Ethon

390 15 6
                                    

Foxx Eethon Valierre

"Hindi ka pa ba talaga uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo?"

Kanina pa tong babaeng to. Lagi na akong pinauwi. Inaantay namin yung bata na itututor niya.

"Hindi. Mamaya na kapag nakapamili na tayo." Sinusundan ko lamang siya ng tingin habang inaayos ang lamesa.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto at lumingon siya sa gawi ko.

"Ako na." Aba ano ba akala niya bubuksan ko? Tss.

"Aba sadya alangan namang pagbuksan ng bisita mo ang isa pang bisita." Nginisian ko lamang siya ngunit di na niya narinig ang sinabi ko.

"Hi Ethon! Kamusta ka?" Narinig ko ang pangalan ko kaya napalingon ako kay Georgina.

Pero di pala ako ang tinawag niya kundi ang isang bubwit na malaki ang ngiti sa mukha ang nakita ko sa pinto.

"Nako, Georgina pasensya ka na at nalate kami naabutan kasi kami ng traffic."

Isang mid-40's na babae ang nakita ko kasama nung bata at may bitbit na sanggol.

"Ayos lang po yun. Siya po ba si Ertimis? Ang cute naman po" Hindi ko na napakinggan ang usapan nila dahil lumapit sakin yung bubwit na kapangalan ko.

Nakatingin lamang siya sakin at kumukurap kurap.

"What do you want kid?"

"Sino ka?" Walang reaksyong mukha ang ipinakita niya sakin.

"Ako? Ako lang naman ang asawa ng nasa harap nating dalawa." Halos matawa ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit yun na ang sinabi ko.

"Asawa ka na ni Ate Georgina?"

"Oo may problema ka ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Opo." Anong problema nito.

"Ano namang problema mo ha?" Tss.

"Eh ako po ang asawa niya eh." Natawa ako sa sinabi ng bubwit na to.

"Ikaw? Eh matagal na kaming magasawa ni Georgina." Nginisian ko lang siya.

Bigla itong umiyak at nagtungo kay Georgina.

"Mama! Inaaway ako nung mukhang unggoy na lalaki dun!" Ako ba tinutukoy ng bubwit na yon? Ang gwapo ko naman atang unggoy.

Nanlaki ang mata ni Georgina at hinarap ako.

"Ethon!" Pagsaway nung babae dun sa bata.

"Nako, Georgina may bisita ka pala hindi ba kami nakakaabala?" Sobrang nakakaabala kayo. Lalo na yang bubwit na yan.

Binuhat ni Georgina yung bubwit at nginitian yung babae.

"Hindi po. Aalis din naman po yan mamaya eh." Sinamaan ko ng tingin si Georgina.

Nginitian ito ni Georgina.

"Naku, maraming salamat Georgina ha. O siya, maiwan ko muna kayo." Nagpaalam na yung babae at umalis.

Hindi man lang ako pinansin ni Georgina pagkatapos umalis nung babae. Tss.

"Halika na Ethon magsisimula na tayo." Nilingon ko siya pero hindi naman siya sakin nakatingin. Argh! Ang hirap pag may kapangalan. Ang sarap makabalibag.

"Okay ate." Masayang sagot ng bubwit. Sumandal ako sa sofa at pumikit. Ilang saglit at nakarinig ako ng mga ingay at pagmulat ko nakita ko sina Georgina at si bubwit na nagtatawanan sa harap ko.

Nakaupo sila sa lapag at nakalatag ang mga libro ni bubwit. Tss. Pumikit muli ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Georgina Ethane Chantria

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon