Nathaniel's Pov:
nandito ako ngayong gabi sa launching ng bagong designed clothes ng Bench, isa ako sa mga model kaya kasali ako sa fashion show, may konting gathering din pagkatapos ng show , napakaraming tao, ang iba ay mga kilalang personalidad..
"dyos ko naman ! kanina ka pa namin hinahanap bata ka! bilisan mot magbihis ka na!"
inis na inis na sabi ni Mrs. Lauchengco
"eto na nga po! magbibihis na po!"
"abat bilis bilisan mot malapit ka na!"
nyeta naman oh! wag nyo kong inisin ! pag ako na bad trip mag wa walk out ako dito ! , pumunta na ko sa may stage at dahan dahang naglakad, muntik ko pang makabangga yung isang model! nakaharang kasi eh! >.<
Nathalia's POv:
hiwalay ang propesyon ko sa personal kong buhay .. kaya kahit masakit sakin , nakapagdesisyon nalng kaylangan kong gawin ito..
nandito ako ngayon sa may garden medyo sa pinagdarausan ng launching ng bagong clothing ng Bench, syempre nandito ang target ko.. bakit ko sya papatayin?.. una may personal akong galit sa kanya , pangalawa , inutos ni General ang mission na to, at pangatlo , may personal na galit talaga ko sa kanya , kinuha ko ang baril ko , inayos ko ang lense para makita ko sya at ayun sya naglalakad sa stage shemay~ nanghihina ako ano ba naman yan... galaw kase ng galaw eh ang likot hindi ko tuloy ma target eh... ang hirap neto ah..
kakalabitin ko na sana yung gatilyo ng lumakad na sya pababa ng stage ays! sayang! di bale meron pang isang show..
nagsimula na ulit , ang isa pang fashion show, pero--
WAAAAH!! O.O
bakit TOPLESS yung mga models?.. bakit jeans lang yung suot nila?.. homaygawd! >.<
nakita ko na yung target kona naglalakad sa stage , at itinaas ko agad ang baril ko shemay nanlalambot ako! waa! yung abs.. ang HOT nya.. hanubeyen~ babae lang ako natutukso din .. pano ko ba papatayin tong lalaking to?! >.<
habang inaayos ko ang lense ng baril ko ay , nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka formal suit at umiinom ng wine, nakatingin sya sakin! shemay! ang tanga mo talaga Nathalia! nagtago na ko kaagad , hindi kaya alam ng lalaking yun na plano kong patayin si Nathaniel?..
---------------------------------------------------------
nagsimula na ang gathering pagkatapos ng show kaya minabuti ko nang pumasok sa loob at iwan muna ang iba kong gamit dito sa garden wala naman sigurong gagalaw nyan dito at saka may tracking device naman ako eh, isinukbit ko na sa may right legs ko yung baril ko, natakpan naman yun ng black dress ko
pagpasok ko sa loob ay hinanap ko kaagad kung nasan si Nathaniel, pero may humawak sa dalawa kong kamay
"ano ba?!"
"Ssshh! Calm down! Agent Nathalia Gomez!"
namutla ako ng marinig kong binigkas ng lalaking yun ang pangalan ko, sino sya? bakit nya ko kilala?..
"sino ka?! bakit mo ko kilala?!"
"hindi na mahalaga kung sino ako, gusto ko lang malaman kung bakit gusto mong patayin si Nathaniel.."
nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala, mahigpit ang pagkakahawak nya sa dalawa kong kamay
"anung pinagsasabi mo?! "
"wag ka nang magkaila"
tinutukan nya ko ng baril sa leeg
"sasabihin mo o hindi?!"
"wala kong alam dyan! bakit ko naman papatayin ang ex ko?! sira ulo ka ba?!"
naguluhan sya
"ano?! ex mo si Nathaniel?.."
lumambot ang hawak nya sa baril nya, sinamantala ko naman ang pagkakataon para agawin yun sa kanya at sipain sya sa ulo, nawalan sya ng malay
"wala ka naman pala eh , bye!"
pagkatapos nun ay tumakbo na ko at hinanap ang target ko, sino ba kasi yung baliw na lalake na yun?.. bakit alam nya yung mission ko?.. tss bad trip! -_-
okay .. Plan B ,
tuloy ang trabaho syempre, asan na kaya yung Nathaniel na yun?..
*lingon sa kaliwa* *lingon sa kanan*
ayun! Gotcha!
nahanap ko rin, nakatalikod sya at naglalakad sinundan ko sya ng dahan dahan , naglagay ako ng tracking device sa leather jacket nya, magkakaroon ng black out mamaya sa buong gathering at dun ko sya papatayin para matapos na.
Nathaniel's Pov:
hay salamat natapos din ang launching sa wakas , naglibot libot muna ako sa may gathering maraming nag aalok ng wine , pero tinatanggihan ko, maraming taong bumabati sakin may mga nagpapa autograph , at nag papa picture kaya dun ako sa gilid dumaan kung saan walang masyadong tao, istorbo naman kas sila eh , kaylangan kong mapag isa hindi ako mahilig sa matataong lugar pero ilang sandali lang ay nag black out sa buong lugar nagkagulo ang mga tao at natulak nila ko .. kaya mas pinili ko nalang gumapang palabas ng gathering pero habang gumagapang ako ay may babae akong narinig , parang gumagapang din siguro sya dahil hindi nya makita ang daan sa sobrang dilim
"asan na ba yun?.. teka.. asan na ba yun?.."
narinig ko syang may hinahanap , nagpatuloy ako sa pag gapang
"te-teka imposible to ah!"
gulat na gulat na sabi nya, sa kagagapang ko ay parang may sumubsob sa labi ko , anu ba yun?.. ang lambot..
biglang bumukas ang mga dimlights, at nakita ko ang babaeng pinilit kong kalimutan , matagal na panahon na ang nakalilipas.. its none other than.. Nathalia Gomez... and her lips met mine.. nanlaki yung mata namen sa isat isa kaya agad agad kaming naghiwalay ,
"ikaw!! manyak ka! manyak! bastos! kadiri! manyak ka!"
pinag papalo at pinagsasampal nya ko
"aray! ano ba! ikaw tong nambubunggo eh!"
sabi ko sa kanya
"ikaw yung nambubunggo dyan eh! manyak ka !"
tumayo na ko dahil baka makita na kami ng mga tao dun , nandyan pa naman ang mga media, pero may parang nakita akong itim na bagay sa may dress nya pero hindi ko alam kung ano yun, hindi ko nalang pinansin
"haha sya nga pala.. oy miss! long time no see ha! na miss ko yung malambot mong labi! "
tatawa tawa kong sabi sa kanya, habang tumatayo sya
"bwiset ka! manyak! hindi pa tayo tapos! mamamatay ka ding hayup ka!!"
pagkatapos nun ay umalis na sya at padabog na lumabas .
BINABASA MO ANG
Mr. Superstar Meets Ms. Assassin
RomanceThey say you cant Fall in Love with your mission...pero anung gagawin mo kung ang taong gusto nilang ipapatay sayo ay ang lalaking pinakamamahal mo?... will you accomplish or failed this mission?.. or you will save him?.. Im NathaLia Gomez... and th...
