Nathaniel's Pov:
Pagkagising ko ay nasa ospital na ko..
"Oh, gising ka na pala"
Nakita ko si Mrs. Lauchengco na nagbabalat ng mansanas
"Ahm.. Mrs. Lauchengco.. Buti naman po at ligtas kayo.."
"At ako pa talaga ang inalala mo? Dyos ko bata ka, hinanap ka pa namen nung nagkakagulo na sa Casino pero hindi namen makita, kung san san ka nagsusuot, ano ba nangyare ha? At bakit napuruhan ka nanaman?"
"Ahm.. Daplis lang po ito , gagaling din agad.."
"Sya nga pala, kaya mo na bang mag-shooting by wednesday?.. Naghahabol kase tayo ng oras ngayon dahil ita take na ang mga last scenes ngayong linggong ito "
"Ah opo sige po kaya ko naman po eh.. Ahm.. Si Marco po nakita nyo?.."
"Sinong Marco ? Ay yung pinsan mo?.. Wala na kaka alis nya lang kanina ipinagbilin ka nya saken at sabi nya ay kaylangan nya nang umalis at pumuntang Europe dahil may trabaho pa syang aasikasuhin doon"
"Anak nang -- umalis nanaman sya tsk.."
"May sulat pala sya para sayo, sabi nya ibigay ko daw sayo pag nagkamalay ka na"
Binigay saken ni Mrs. Lauchengco ang sulat at binuklat ko ito:
Nathaniel,
Pagpasensyahan mo na ang kuya Marco mo kung iniwan kita sa ganyang kalagayan, Pero kaylangan kong gawin to , may mga taong gustong pumatay saken at pati kayo ay madadamay kung hindi pa ko lalayo.. Wag kang mag alala sinisigurado ko namang magkikita pa tayong muli , ikaw na sana ang bahala kay Nathalia, alam nating dalawa ang binabalak nya sayo kaya dapat maghanda ka na, pero kung mahal nyo ang isat isa.. Kausapin mo sya ng maayos dahil alam ko rin na hindi mo sya magagawang patayin para lang sa sarili mong kaligtasan, nang sa ganon ay hindi masayang ang mga pinaghirapan ko... At hindi mauwi sa malagim na kamatayan ang relasyon nyo.. Hanggang dito nalang, Paalam.
-MarcoTinupi ko na ulit ang sulat , medyo masama ang loob ko pero naiinthindihan ko naman sya , gusto ko nang makalabas dito kaylangan kong makita kung ayos lang ba talaga si Nathalia.
Nathalia's Pov:
Nagising ako na nasa resthouse na ko at natanaw ko si Marco na ineempake ang mga gamit nya, bihis na bihis sya kaya bumangon ako agad
"Marco! Aalis ka?!"
"Oh, bakit bumangon ka?! Humiga ka ulit dun, hindi ka pa magaling!"
"Okay na ko!, teka san ka pupunta?"
Lumungkot ang mukha nya
"Natunton na ulit ako ng mga tumutugis saken kaya sa tingin ko hindi na ko ligtas dito at ayoko na ring mapahamak ka kaya aalis na ko.."
"Iiwan mo na ko?.."
Hinawakan nya ang pisngi ko at hinawakan ko ang kamay nya
"Magkikita tayo ulit... Pangako yan.."
"Akala ko ba gusto mo yung.."
Lumapit ako sa kanya
"Yung ganito kalapit.."

BINABASA MO ANG
Mr. Superstar Meets Ms. Assassin
RomanceThey say you cant Fall in Love with your mission...pero anung gagawin mo kung ang taong gusto nilang ipapatay sayo ay ang lalaking pinakamamahal mo?... will you accomplish or failed this mission?.. or you will save him?.. Im NathaLia Gomez... and th...