Nathaniel's Pov:
Nasa Manila na ulit ako after that long vacation, ewan ko lang kung nakabalik na rin si Nathalia dahil simula nung binigyan ko sya ng bulaklak dun sa may Bazaar ay hindi na kami nagkausap or nagkita pa ulit.
Sa ngayon ay Premiere Night na ng movie namen ni Alexandria na pinamagatang, "Who Owns My Heart"
"Nathaniel? Ano? Ready ka na ba para sa Premiere Night?"
"Opo Mrs. Lauchengco, inaayos ko nalang po itong necktie ko"
"Oh sige, bilisan mo ha at kanina pa nasa kotse si Alexandria"
Pagka ayos ko ng necktie ko ay lumabas na agad ako ng dressing room at dumerecho sa kotse kung saan nakaupo na nga doon si Alexandria
"tss.. Ang tagal mo para kang babae magbihis"
Pagrereklamo nya
"Eh, nakatulog kase ako kaya medyo nahuli akong magbihis"
"Oh well"
Pagpunta namen sa pagdarausan ng Premiere Night ay napakaraming tao na ang nag aabang para makita kami , lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao nang lumabas kami ng kotse at naglakad sa red carpet, kumaway kaway at ngumiti kami sa mga fans .
Nathalia's Pov:
-Rain Corporation
"Oh Nathalia? Nakabalik ka na pala, mukhang galing ka sa byahe bakit hindi ka muna magpahinga sa bahay mo?"
"Sam , please, kaylangan ko nang malaman kung anong nangyare sa mission ko"
"Mission accomplished ka naman na eh bakit kaylangan mo pang alamin?"
"I just want to know what happened, masama ba yun?.."
"Okay, okay , chill... Sasabihin ko na sayo.."
Umupo kaming dalawa sa upuan at sinimulan ko nang makinig sa bawat sasabihin nya
"naabutan ka naming naghihingalo sa may lobby ng Casino nun... Ang sabi nila ay nakainom ka daw ng lason pero bago ka nawalan ng malay ay ibinilin mo saken na sagipin ko si Nathaniel Perez .. Pero sa totoo lang sya ang nakahuli sa magnanakaw na yun na si Lejares , kundi dahil sa kanya, malamang nakatakas na si Lejares , kaya pinaki usapan ko si General na baka kung pwede ay iurong nya na ang misyon na ibinigay nya sayo para patayin si Nathaniel pero hindi ako pinakinggan ni General, hindi parin sya kumbinsido kahit na malaki ang naitulong ni Nathaniel"
Nalason pala ko... Bwiset talaga >.< bat naman kasi ganon si General?.. Sa totoo lang ayoko na talagang ituloy yung misyon na yun , pero mahalaga rin saken ang propesyon ko, ito ang buhay ko at hindi ko to kayang isuko katulad ng ginawa ni Marco para saken..
Pagkatapos kong kausapin si Agent Sam ay kinausap din ako ni Agent Anne at pinapunta ako sa Lab dahil may gusto daw syang ipakita saken
"Here you go Nathalia, eto yung lasong nainom mo nung nasa mission ka, pinaparalize nito ang katawan ng tao hanggang sa ito ay maubusan ng hininga at tuluyang mamatay, eto rin yung lason na nakita noon na nakapatay sa mommy mo... Maswerte ka dahil naaagapan ka kaagad dahil kung hindi , malamang ay patay ka na.. "
"Naaalala ko yan... Naninikip nga ang dibdib ko at para kong nasusunog nang naghihingalo ako sa lason na yan.. Medyo hindi rin ako makagalaw ng mga oras na yun.."
![](https://img.wattpad.com/cover/10069886-288-k648365.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Superstar Meets Ms. Assassin
RomanceThey say you cant Fall in Love with your mission...pero anung gagawin mo kung ang taong gusto nilang ipapatay sayo ay ang lalaking pinakamamahal mo?... will you accomplish or failed this mission?.. or you will save him?.. Im NathaLia Gomez... and th...