Chapter 1

303 8 9
                                    

-Araw ng Biyernes, sa bus-

Sa hirap at pagod sa pinagsamang pag-aaral at byahe, nakatulog ako sa kinauupuan ko. Sa may tabi ng bintana ako lagi umuupo para kapag nakatulog ako, doon ako sasandal. Nakakahiya kaya mapasandal sa katabi mo tapos nakanganga ka pa. Haha.

Natural naman ang byahe ko noon pero nung pagkababa ko.... shit. just shit! bukas ang bag ko. Ang pitaka? Ang pitaka? Nasaan ka?..... Ok. Sabi ko nga, nanakaw sya. So sad. 35 pesos lang naman ang laman nun pero such heartbreak kasi sayang din un no? Sasakay pa ko ng jeep.Ano gagawin ko? Huhubels lang. So hanap ako ng barya sa bag ko. Nakakita naman ako ng limang piso pero shit talaga. Syete kaya minimum pag studyante. Iyak muna ako guys.

Tumingin tingin ako sa paligid and wow! May nakita akong kapareho ng uniform ng guys sa school namin tapos may bagtag sya ng name ng school namin. Out of despair, inapproach ko na si classmate na nakatalikod with these words:

"classmate, schoolmate tayo. ano kasi... nanakawan ako ng wallet. Nakakahiya man pero, pwede bang makahiram ng dos? Kulang kasi ung baryang nakita ko pampamasahe eh."

yeah, classmate ang itawag natin sa kanya. Nakayuko talaga ako nun kasi hiyang hiya ako tapos nung inangat ko ung ulo ko......

sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet.

*turn music on

Sana naman ako'y pakinggan

At ng ikaw ay malinawan

Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin.....*

Ok. Back to reality. Classmate, why so gwapo? Mas lalo tuloy akong nahiya. Minsan na nga lang makakakita ng gwapo, pak na pak pa ung entrance at sinabi ko. XD

"Sure ka ba classmate na ok na ung dos? Di ka ba kakapusin nyan?" sabi nya.

Ganda ng boses. OMG!

"Oo classmate. Isang sakay nalang naman eh saka may five na din ako dito." replied by halos mapangangang me na.

Kuha sya ng pitaka, kuha dos, tapos binigay sakin.

"Ingat classmate ha." sabi nya.

Nagpasalamat ako then fly fly to the nakapilang jeep na. Grabe classmate. I will never ever forget you and this dos.

Tapos syempre status status din ng "malas, nanakawan pa. buti nalang may mabait na classmate na nagbigay ng dos. such story. much help. too thanks. wow"

------------------------------

Ipagpapatuloy sa susunod na kabanata

Comment po kayo kung gusto nyo tapos masaya din pag vinote nyo. XD

DOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon