Chapter 3

115 5 3
                                    

-After a week, monday din nun-

Pauwi na ko, naglalakad na ko papunta sa terminal ng bigla akong magutom. Fishball-an lang naman ang una kong nakita kaya gora na sa fishball. Bumili ako ng sampung piso. Wow. Takaw ko no? Wala akong pake kung matakaw ako. Ang mahalaga, mabusog ako. Hahaha. So kain lang ako doon tapos may biglang....

"Ate, limang pisong kikyam"

Aba. Pamilyar ang boses. Kahit puno pa ung bibig ko, napatingin ako and pak na pak ulit....

"Turn music on:

Boy you got my heartbeat running away"

Si classmate un. Panong hindi ka masusuper bass kung nakakahiya nanaman ang itsura mo?

"Ui classmate!" sabi nya.

Tapos kasi nga puno bibig ko, di pa ko makasagot agad kaya sabi nya...

"Sige, lunukin mo muna yan pero dahan dahan lang. Baka mabulunan ka. Mukhang wala ka pa namang tubig. Nakakahiya pag ang binigay ko sayo eh ung tubig ko."

Seriously, sana mabulunan ako. Joke. Pagkatapos ko malunok un, sabi ko sa kanya dagdagan nya ng dalawa pang kikyam ung kinuha nya. Ako magbabayad ng dos and guess what? Lima ang dinagdag nya sabay abot ng bayad sa ale.

"Sayo na yang dos, para tumaba ka." sabi nya.

"Ayoko ng may utang ako. Nahihiya ako. Haha." sabi ko.

"Libre ko un sayo kaya di utang un. Yan. Kain ka na ulit." sabi nya habang suot ang pamatay nyang ngiti.

Pagkatapos ko kumain, sabi ko una na ko, Syempre nakakahiya magpaka-FC doon. Naglakad ako hanggang sa pagkalayo layong terminal tapos nagulat ako, nandun na sya. The flash lang classmate? Pano mo ko naunahan? :O

Nakita nya ata ako tapos syempre nahihiya ako mag approach kaya segway muna sa bilihan ng waffle. Yeah, kain kain ulit. Tapos pagkatingin ko ulit, wala na sya. Nakasakay na. Sabi ko nga. Nag food trip nalang muna ulit ako. Takaw ko no?

Nakababa naman ako ng bus ng maayos nung pauwi na, di ko din nakita si classmate sa terminal ng jeep pero alam ko nang almost same ang uwian namin pag monday and friday pero alam ko na din na di sya masyado interested sakin. Sadyang mabait lang sya at approachable.

Ui. Ang feelingera at Emo ko lang sa last part.

---------

Pagpapatuloy ulit.

Drama nya. Daming alam

DOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon