-Sa bus-
"Nacucurious talaga ako, ba't dun kita unang nakita sa may terminal ng jeep?" tanong ko. Kasi nga di ba nakakacurious naman talaga.
"Ung dos incident?" tanong nya naman.
"Oh bili kayo crackers, mineral, piattos, nova, c2" sabi ng nagtitinda. naks, endorse pa. Gandang extra.
"Kuya, dalawang piattos. Anong flavor sayo?" sabi nya.
"Nacho. Magkano?" sabi ko naman.
"Trenta dyan sa dalawa." sabi ni manong.
So I insist na ako magbabayad kasi libre na ko sa mcdo. Pagkabigay samin,
"Commercial un ha." sabi ko.
"Ahhh, ung sa terminal sa inyo. May hinatid lang ako. Ung nakita natin kanina sa Mcdo. Dami nya kasing dala nun eh. Lampa pa naman un. Haha." sagot nya.
"Ahh. I see." sabi ko na medyo tinatamad na magsalita. Kahit papano kasi, I think I got my hopes too high. lolwat?
"Sobrang close kami nun. Pag bakasyon, madalas ako sa bahay nila. Ganda nya no? Sabi ng dad ko, alagaan ko daw sya kaya isang tawag lang nun, sunod agad. Pero mas matanda ng 1 year sakin un. " dugtong nya pa.
"Ok. I think I get it. Haha" sabi ko.
"Oh? E bat paiyak ka na?" sabi nya. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. (shet)
"Nagpapractice ako, gusto ko sumali sa drama club. Nagkataon lang. Wag kang magulo"
"Hahahahahahaha." habang patingin sa kabilang side nya.
"Teka lang, natatawa ako. Ang saya mo lokohin." dugtong nya.
WTF? Lokohin? Anong part dun ang lokohin? As in ung buong story na to o ung etong usapan natin?
"Half-sister ko un. Same father. Dun ako nakatira sa motherside ko. Hahaha." explanation nya.
"Adik. Para kang baliw. Babawi din ako sayo" (sabay tulo ng luha)
Pinunasan nya luha ko gamit ung panyo nya.
"Sorry, may kalyo pa kamay ko kaya may panyo. Saka di ko to nagamit. Hahaha."
"Pasalamat ka lang talaga weak ako, di ko kaya manapak. Hahaha." sabi ko.
"Wag ka pala sumali sa drama club kung iiyak ka lang."
"That's nice." sabi ko at tawa lang kami ng tawa sa usapan naming puro kabaliwan.
----------------------
Pagpapatuloy. :)
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...