-Friday na ulit, uwian, bale 2 weeks after dos incident na-
Pauwi na ko ng bigla akong inapproach ni classmate. Wow. Just wow.
"Classmate, survey lang. Kailangan kasi namin ng answers mula sa ibang course eh." sabi nya.
Kuha papel naman ako at sagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Tungkol sa development ng city blah blah ung questionnaire, maganda yan. Pagkabalik ko ng papel, nagpasalamat sya tapos hagilap ulit sila. Un na un sa araw na un.
----------
As time goes by (naks english), occasionally, nakikita ko sya at syempre nakikita nya din ako (man, i'm not invisible). Mga 4 weeks since dos incident na nun at sabi ko nga, infatuation lang un at wala ng iba.
Isang araw, dahil foundation week nun, may booth and org namin. Tumataginting na maid caffe ito (tagaluto ako. di ako maid. wag kayo magulo). Pagkaayos namin ng pagkain, namigay kami ng flyers. Sakto naman, syempre obvious sa statement, dumaan si classmate.
Tinanong nya kung maid ako dun. Sabi ko, tagaluto lang tapos sabi nya...
"Hayyy. Buti na lang. Punta ako mamaya para kumain. Tatapusin lang namin ung project namin. Sobrang busy last month hanggang ngayon. Wala tuloy akong ibang magawa kundi asikasuhin un. Dami ko din taong hindi nakakausap kahit paminsan minsan nakikita ko."
Share ba yan classmate? Parang sa gf mo lang ikaw nag eexplain. Teka. positive ba o negative ung buti nalang di ako maid? Tapos isa ba ko sa mga taong un? Ang gulo mo. Kahit sabi ko infatuation lang at kahit sabi ko mabait ka lang talaga sa lahat, kinikilig ako sayo. Lumayas ka na, baka ano pa magawa ko sayo.
---------------
Ipagpapatuloy ulit.
Matumal ang 4th chapter. hahaha
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...