Pagdating namin sa school, dun kami sa booth dumaretso. Umupo sya sa pwesto nya daw kanina at papunta naman ako sa may kitchenette kunwari ng booth. Bago makapasok dun, tinawag nya ko at ang sabi nya "Toblerone, sabay tayo uwi mamaya."
Napaisip ako saglit tapos natatawang akong sumagot ng "sure, wala naman akong kasabay eh."
Tapos hinampas ako ni vice sa likod.
"Haba ng hair mo girl. Nandyan mga BFF mo." sabi ni vice.
Lingon lingon ako at
"Oo nga no. Eto vice. Hawakan mo tong kape. Puntahan ko muna sila." sabi ko. Sabay labas ng kape sa plastic.
Dali dali naman akong pumunta sa mga friendships ko tapos pagdating ko doon sa table nila,
"Isang kape please."-- BFF 1
"Ung pinakamura." dagdag ni BFF 2
"Grabe kayo. Kadadating palang, inutusan nyo agad. Hahaha. Teka, di ako waitress dito, tawag tayo." sabi ko.
Un. Umorder kami. Pati ako bumili. Sakto din naman ung timing nila para makapag pahinga na din ako. Nagtsitsismisan kami ng biglang may lumapit at naglapag ng papel sa area ko sa table.
"Pinapabigay nga pala." sabi nung naglapag. "Labs, alis muna kami. Text nalang kita mamaya." dugtong nya ng nakatingin kay BFF 2.
Tapos sumabay na sya sa mga kasama nya at kumaway sakin si classmate. Teka. Di pa ko ready sa gummy bear. Kinikilig ako. Lels.
Tinignan ko ung nakasulat sa papel. Ang nakalagay doon:
Number ko nga pala
09*********
Text mo nalang ako pag uwian nyo na. :)
-Gummy Bear
----------------
Tutuloy po ulit. :)
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...