Tinext ko sya nung pwede na kaming umuwi at nagreply naman agad sya.
Btw, ung nagbigay ng papel, kaibigan nya un at recently, naging boyfriend ni BFF 2. Classmate nya daw un sa NSTP at sa iisang subdivision lang sila. No wonder. Maganda si BFF 2, thoughtful, mabait like nasayo na ang lahat kaya di ako magtataka kung magkakaroon sya ng bf.
Btw ulit, matagal na may boyfriend si BFF 1, 3rd year palang kami. Couple of the night pa nga sila nung prom eh. Share un.
So sa mga btw na yan, oo, saming magkakaibigan, iniwan nila ako. loljk.
Balik tayo sa storya.
Dun ako naghintay sa open waiting area. Malamang. Tapos dumating si classmate, hinihingal pa. *di ako mag iinsert ng song, basta slow mo yan. XD*
"Tara na?" yakag nya sabay tayo ko.
"Tara."
Eversince nun, madalas na kami nagkakasabay, nagkakatext at nagkakachat. Lagi kami nagkukwentuhan sa bus pero may napansin lang ako. Sa mas malapit na bus stop sya bumababa pero bakit dun ko sya unang nakita sa terminal sa may bus stop namin? Di ko nalang muna itatanong, baka may pinuntahan lang syang kaibigan na doon ang daan.
Hindi nagtagal, Christmas vacation na. :)
------------------
Super ikli. hahahaha
Pagpapatuloy nalang ulit :D
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...