Kahit kinakabahan, lumabas ako as soon as natapos ko magbasa. Nandun ako sa may terrace ng 2nd floor. Naks. Para may effects.
Tapos sa baba, nandun sya, may dalang gitara. So much effort. Tapos dami nyang back-up, ung mga tropa nya. Tapos syempre nasa school, dami nakikitsismis.
Pagkakita nya sakin, kumanta sya.................
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Buti hawak mo pa din ung bear. Nakakahiya kasi sa school ko pa to ginawa no? Pero wala akong maisip na mas magandang timing. Ayoko sa bus. Alam ko strict ang parents mo and I'm not rushing things... You took that bear openly and now, can you take this bear as your suitor?"
"Para kang baliw! Kala ko kung ano na. Kahit di mo na yan itanong! Hahahaha. Eto sagot ko sayo oh. (hagis dos)"
"Dos?"
"Hawakan mo sa magkabilang kamay mo, tignan mo anong word ung na-form. Parang commercial lang yan ng bingo dati"
"Hahahaha. Sabi ko nga. Baba ka dito, may toblerone pa kong ibibigay sayo."
Kala nyo tatanungin nya na ko ng "will you be my girlfriend?" hahaha. Nagkakamali kayo. Yang line na yan, sa debut ko pa yan maririnig. Nung pinayagan na ko ng Dad ko magkaroon ng boyfriend. :D
THE END
---------------------
Hahahaha. Kala nyo sila na agad? Kahit mukhang sila nga, Hindi pa! Adik ung nagsulat nito!
Dyan na nagtatapos ang kalokohan kong sinisulat. Sana na-enjoy nyo kahit papano ^^v
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...