Chapter 13

37 4 2
                                    

Nagpatuloy lang ang parang bestfriend na parang kami status namin. Masaya naman ako sa status namin pero syempre minsan you will look for more. For a clear explanation kung ano kayo. Until dumating ang Feb 13.

"Ano regalo mo sakin?" tanong nya.

"Wow. Baka kailangan magregalo. Dos bibigay ko sayo para di ka malungkot." reply ko.

"Hahaha. Sana lang may mapatunguhan ung dos na un. Good Luck sayo bukas. Wag bitter ha." sabi nya.

Friends na friends kami no?

-Valentine's day-

Nasa 2nd floor ako, dun sa room namin. Tapos may dumating na tao na may dalang malaking stuff toy na bear. Ano ginawa sa bear? Binigay sakin. Syempre, di ko kukwento kung napadaan lang. Hahaha. Pero pwede din. XD

Nakasabit sa ribbon ng bear is an letter. Isang mahabang letter. Sama ko pa ba dito ung content? Syempre sasama ko. Hahaha

Hello Toblerone!

Judging kung saan nakasabit tong letter at sa greeting ko, malamang alam mo na kung sino to. Wala akong maisip na ibang gimik, ang alam ko kasi, gusto mo talaga ang mga bear. Pano ko nasabi? Dahil dati pa, nung di pa yang jansport na puti ang bag mo, tatlo tatlo ang keychain mo na bear.

Ang ganda pala ng prof pic mo ngayon. Well, kahit ano naman maganda pero ung dati kasi nung inadd kita, emo shot un. Kala ko tuloy emo ka. XD Natawa pala ako sa status mo nung sa dos. Di ako mabait, nagkataon lang na ako una mong nakausap. Buti na lang.

Btw, hindi kita unang natandaan nung nanghingi ka ng dos. Kasi ang natatandaan kong una sayo, ung nagkatabi tayo sa bus way back from 1st sem at sa sobrang tulog mo, nakasandal ka na sakin. Di ko makakalimutan un. Ang cute mo. Buti nalang nakita ko pangalan mo sa ID. hahaha. Daming beses kitang nakakasabay at laging tulog na tulog ka.

Pero mahilig ka talaga kumain eh. Sa canteen, sa fishballan, sa tindahan ng waffle, sa mcdo. Sa susunod, resto tayo. Pwede din popcorn sa sine.

Nung foundation, buti nalang di ka nag-maid costume. Nangangailangan kami ng katulong, baka iuwi kita.

Di talaga dapat Gummy Bear at Toblerone gusto ko. Un lang lumabas sa timing. Kung ano gusto ko, saka na, pag 18 ka na. :)

Salamat sa shades, alam mo na kung san ako nasisilaw.

Nung nagskype pala tayo, narinig ko pinapatulog ka na, pero ok lang yan. Para yan sa future...

Sobrang haba na no?

Sa ngayon, para tayong mag bestfriend na laging sabay umuuwi at parang baliw magkasama. Pero sana paglabas mo sa room nyo, may nakaready ka ng answer...............

-------------------------

Wow haba. Parang baliw. Hahahaha

Kung medyo magulo, yeah, kilala na ni classmate si classmate bago pa ung chapter 1. waitwat? hahaha. gulo ko.

Pagpasensyahan nyo kung sobrang haba at corny! Vanilla nga daw yan. Hahahaha.

Last chapter na ata sunod. >:D

DOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon