-Monday, dun sa classroom-
"Ui. Anyare sayo? Magkano laman ng pitaka mo?" sabi ni BFF 1.
"Wala eh. Kala ng magnanakaw mayaman ako eh. 35 lang laman ng pitaka. Naawa nga ako sa magnanakaw eh. Magnanakaw na rin lang, luge pa sya. Hahaha. Pero buti kamo nakaw lang, hindi holdap." sagot ko.
"Eh ano naman ung mabait na classmate? Kaw ha. Dami mo nang alam ngayon." sabi ni BFF 2.
"Yun. Mangiyak ngiyak na ko tapos kung sino nalang mahingian ng dos. Buti nalang. Buti nalang talaga. Bait nung isa nating schoolmate. Binigyan ako ng dos."
"Kahit naman ako magbibigay ng dos eh. Naiimagine ko palang itsura mo. pak na pak na. Gawin ko pang tres."--- BFF 2 ulit.
"Friend. Di mo ko naiintindihan. Ang gwapo kaya ni classmate. Sa isang sulyap mo ay nabihag lang ako ang peg. Tapos ganda pa ng boses. Basta the best talaga." echos ko.
"Yun oh! Nagdadalaga ka na! We're so proud of you."--- BFF 1.
"Ihhhh. Wag ka nga. Kinikilig ako eh. Hahahaha. Joke lang. Tama na. Baka maniwala na kayo. Tara canteen, nagugutom ako."-----ako
-Sa canteen-
Umupo kami dun sa bandang malayo layo sa entrance after namin bumili. Tsismisan ng biglang....
*Turn music on:
I think I'm inlove
I think I'm inlove
With youuuuuuuuuu.....*
Medyo napatulala ako dun tapos ung dalawa:
"Anyare? Anyare? Langaw te, baka pumasok sa bibig mo."
"Wag kayo magulo. Nakikita nyo ba un? Un si classmate na nagbigay ng dos sakin. Ung naka-red na jansport." sabi ko.
"Ahhh. Engineering si kuya. Ui. Peymus kaya ung isa nyang kasama. Ung kasama nya ung nanalo sa pageant ng college nila. C.E. yan. Di mo yan kilala?" sabi ni BFF 2
"Hindi eh." sagot ko
"Kawawa ka naman. Hahaha." back up ni BFF 1.
"Teka. Wag nyo na tignan. Di na din ako maaalala nyan. Saka nakakahiya kung maaalala nyan." sabi ko ulit.
So kain lang ng kain at pagkatapos namin kumain, palabas na kami. Sakto naman, dun sila nakaupo sa may exit.
"Ui classmate na naka-white na jansport! Nakauwi ka ba ng maayos nung Friday?"
"Ay. Salamat classmate. Nakauwi ako ng maayos. Teka... *kuha pitaka, kuha limang piso* eto pala classmate." sabi ko sabay smile.
Tapos sabi nya, "Hala classmate, wala yon. Dos lang yon. Ako nama'y tutulong talaga kung may nangangailangan."
"Uto mo. Di mo nga kami pinakopya sa quiz kanina eh." sabi ng isa nyang tropa.
"Baka malapit upuan? Ay. Basta classmate, wala yon. Sige ingat kayo." sabi nya.
Tapos nagpaalam at umalis na kami. Isa lang ang masasabi ko, I don't know who you are classmate, but I will find you and.... teka. Wrong line. Salamat at naalala mo ko. Infairness, tuwa na ko nun.
-----------------
Ipagpapatuloy po ulit :)
BINABASA MO ANG
DOS
Teen FictionAng Title na DOS ay parang title lang sa MMK. :D Hindi sa lahat ng oras, swerte ang tao. Hindi din sa lahat ng oras, malas ang tao. Iba iba ang ating nararanasan pero ang mahalaga, sumabay ka sa ikot ng dos (cause piso is too mainstream) at i-enjoy...