Aerial's POV
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay akay akay ang pinakamamahal kong bisikleta sa kadahilanang isang mapang aping piraso ng bubog mula sa basag na bote ang walang awang binutas ang aking gulong habang tinatahak ko ng daan papunta sa aming bahay. Idagdag mo pa ang mainit na tirik ng araw na parang sinusunog ang aking balat sa sobrang init. Pasalamat na lamang ako at hindi na gaanong kalayo ang lalakarin ko.
Malapit nako sa aming bahay ng makita ko si Papa na bumaba sa kanyang motorsiklo at mukang kakadating lang. Mabilis akong naglakad na halos bitbitin ko na ang aking bisikleta.
"Pa!" Sigaw ko kay Papa kaya napalingon sya sa akin.
"Oh anak san ka galing?" Tanong nya ng makalapit ako at kunot noong tinignan nya ang akay ko. "Anong nangyari dyan sa bisikleta mo?"
"Galing po ako kina kuya Ayno pumasyal, e nang pauwi na po ako di ko napansing may nadaanan pala akong piraso ng bubog kaya na-flat ang gulong ko." Sagot ko habang kinakalikot ang gulong ng bisikleta ko.
"Ilagay mo na muna dyan iyan at ako ang aayos mamaya."
"Sige po, teka lang Pa bakit ang aga ng uwi nyo ngayon? Tanghalian palang ah!" Pagtataka ko.
Isa kasing driver si Papa, mga dalawang buwan nadin siguro matapos ang kontrata nya sa dating pinagtatrabahuhan.
Kaya inirikomenda si Papa ng kaibigan nya na maging private driver sa isang mayamang pamilya. Pang anim na araw nya ngayon pero napaka aga pa para umuwi sya."Ay yun nga anak ang problema,kailangan ko kasing makausap ang mama mo dahil may ibabalita ako." Sagot nya habang naglalakad na kami papasok ng bahay.
"Wag nyong sabihin nasisante na agad kayo sa bago nyong trabaho?" Hula ko.
"Aba hindi noh! Lokong bata ito." Akmang babatukan ako ni Papa ng lumabas galing kusina si Mama.
"Nariyan na pala kayo,kakatapos ko lang magluto." Sabi ni Mama habang nag aayos ng lamesa para kumain.
"Ma alam nyong uuwi si Papa?" Muka kasing di sya nagulat na andito ngayon si Papa.
"Oo, nagtext sya sa akin kanina na dito magtatanghalian dahil may sasabihin daw sya." Sabay tingin ng masama kay Papa.
"Ma naman good news yon, mana sayo iyang anak mo negative ang mga iniisip." Natatawang sabi ni Papa saka lumapit kay Mama at humalik sa pisngi nito.
"Pa tungkol saan ba ang ibabalita nyo?" Urirat ko.
Sabay sabay na kaming umupo at nagsimula ng magsandok ng pagkain. Saka ko naramdaman ang gutom ko mula sa nilakad ko. Pano ba naman kasi ang sarap ng ulam namin pritong dalagang bukid at pinakbet.
"Yung mga amo ko kasi aalis sila para sa isang business trip. E walang maiiwan sa anak nila dahil umuwi ng probinsya ang taga alaga noong bata kaya naki usap sakin na kung pwede sana pakisamahan daw ang anak nila ng isang linggo." Paliwanag nya sa amin na lalo kong ipinagtaka.
"Pa bakit nyo sa amin sinasabi yan?" Sagot ko habang ngumunguya.
"E kasi wala na silang ibang mapapag katiwalaan kaya sa akin na lumapit e kung may kakilala daw ba ako, wala na kasi silang oras pa para maghanap wala din naman ako maisip na iba kundi ang mama mo."
