Aerial's POV
Hanggang ngayon ay nagwawala padin ang puso ko isama mo pa yung pagmumukang ewan ko sa harap nya pati yung pagkakanda mali mali ko sa pag sagot. Kainis.
Flashback
"Okay kalang miss?" Medyo nag aalalang tanong sa akin ni Aira.
"Miss nasaktan kaba?" Ulit nyang tanong ng hindi ako kumibo.
"Ah-eh oo okay lang sya, diba Yel?" Si Leigh na ang sumagot sa tanong ni Aira at saka tumingin sakin at pinandilatan ako ng mata.
Hindi ako makapag salita, wala akong maisip na sasabihin. Nanatili lang akong istatwa sa kinauupuan ko.
"Ganon ba, sige." Sagot nito kay Leigh at maya maya ay lumingon sa akin. "Pasensya kana talaga hindi sinasadya ng kasama ko na mapalakas ang palo, muntik kana tuloy matamaan." Paumanhin nito sa akin.
"Ah-hh a-no oka-ay l-ang." Hindi ko magawang magsalita ng maayos.
"Ah sige ah mauuna na kami masama ata ang pakiramdam ng kaibigan ko." Salo ni Leigh at saka hinila si Eron at Kai na parehong nakahawak padin sa akin kaya nadala ako at walang lingon lingon na naglakad palayo.
Ngayon ay andito kami sa isang bakanteng classroom.
"NAKAKAINIS! NAGMUKA AKONG TANGA SA HARAP NI AIRA, ANO NALANG MAGIGING IMPRESSION NYA SAKIN NITO." Sigaw ko habang nakatakip ng bag ang muka ko.
"Ano ba kasing nangyari sayo kanina Yel? Pagkakataon mo na sanang magpacute kay Aira pero para ka namang tuko na hindi makagalaw." Nanghihinayang na reklamo ni Eron.
"Tumigil ka nga Eron, gusto mo bang ikaw ang gawin kong tuko?" Pagmamaldita ni Leigh dito.
"Oo nga Eron." Sang ayon ni Kai na napabuntong hininga.
"Ang hilig nyo kasing manguna sa may katawan." Sermon ni Leigh. "Alam nyong ubod ng mahiyain ni Yel." Tuloy nya pa.
"Sorry na." Paumanhin ni Eron.
"Sorry Yel bawi nalang kami next time." Si Kai.
"Hayaan na natin yon, tara na nga baka malate pa tayo sa klase natin." Aya ko sa kanila.
Dalawa lang ang subjects namin ngayong araw at dahil pare parehas kami ng course ay magkakasama padin kami.
Sobrang dikit namin ni Leigh sa isa't isa kaya pati sa kursong kukunin ay parehas kami ng gusto. Ewan ko nga lang sa dalawang mokong nato.
Wala naman silang nabanggit na gusto nilang mag aral ng medicine kaya nagulat nalang kami noong enrollment na magkakaklase pala kami.
Dumating na si Prof Dylan at saka nag lecture sa amin, yung iba parang wala pa sa mood makinig sa kanya.
After two hours natapos nadin at nagbilin nalang si Sir na magreview dahil may quiz kami next week.
Nag inat inat ako at saka tumayo, lumapit sina Leigh, Kai at Eron sa akin.
"Tara guys billiards tayo sobrang nabored ako ngayong araw." Aya ni Eron na hihikab hikab pa.
Pampalipas oras namin talaga ang pag bibilliard at dahil medyo bad vibes ako naisipin kong sumama at tumingin kay Leigh.
"Oo na alam ko na mga ganyang pag papaawa mo." Natatawang sabi ni Leigh sakin.
