VIII.

107 3 0
                                    

Gail's POV

"Miss Gail, oras na po para gumising kayo." Kasabay ng isang marahang pagtapik sa aking balikat.

"Hmmm." Sagot ko.

"Handa na po ang agahan nyo sa baba." Imporma sakin ng medyo may edad na boses.

Iminulat ko ang isang mata ko at nakita si manang Elena pala ang gumising sa akin, isa sa mga matagal nang naninilbihan sa amin.

Tuluyan na akong bumangon at saka nag inat inat.

"San po si tita Lori?" Takang tanong ko, si Nana lang kasi ang gumigising sakin pero dahil nga wala sya ay si tita Lori ang gumagawa non.

"Nagpunta po sya ng palengke dahil nag presinta sya na ipagluluto kayo ng pananghalian." Sagot nya sa akin.

"Ganon po ba, sige manang sunod na lang ako sa ibaba." Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo.

Matapos mag ayos ay tinignan ko muna ang oras, 7:25 am.

Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at saka tinakbo ang hagdan pababa.

Sana ay maabutan ko sya, hindi ko alam kung anong oras ang klase ni ate Aerial.

Nang makauwi kasi kami kagabi ay sinabi nyang magpahinga na daw ako dahil nag aalala sya na baka napagod ako sa pinuntahan namin.

Pero ang totoo ay ayoko pa ngang magpahinga dahil gusto ko pa sana syang kausap at kasama pero pansin ko sa mga mata nya na sya ang mukang kelangan na ng pahinga kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Sa sobrang pagmamadali ko ay nagkamali ako ng tapak sa baitang ng hagdan at nawala sa balanse. Napapikit ako at handa na sanang bumagsak sa malamig na sahig ng mansyon.

Pero ilang saglit lang ay napansin kong hindi malamig o matigas na sahig ang sumalubong sa akin kundi isang napakalambot na bagay.

Pagmulat ko ng mata ang maamong muka ng taong hinahanap ko ang bumungad sa akin, hindi pala bagay ang sumalo sa akin kundi ang malambot na katawan ni ate Aerial.

Sa lapit ng mga muka namin ay kitang kita ko ang itim na itim nyang mata na seryosong nakatitig sa akin.

Maya maya pa ay nag iba ang ekspresyon ng muka nya at ngumiti ng bahagya. "Good morning, okay ka lang ba?"

Mula sa pagkakatitig sa kanyang muka ay natauhan ako sa tanong nya.

"Ah oo, s-salamat ate." Nahihiya kong sagot.

Saka ko lang naalala na hindi nga pala ako bumagsak sa sahig dahil nasalo nya ko. Kaya nga pala malambot.

Teka nga ano bang iniisip ko!

Namula pa ako ng mapansing mahigpit na nakayakap sa bewang ko ang mga kamay nya. Ramdam na ramdam ko ang katawan nya sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Sigurado kaba? Ang pula mo e." Kunot noong tanong nya.

Dahan dahan nya akong inilayo sa kanya at tinanggal ang pagkakaakap, parang bigla naman akong nanghinayang.

"Ah ano kase, baka adrenaline rush kasi akala ko malalaglag ako sa hagdan." Pagdadahilan ko.

Nakatingin lang sya sa akin na wari'y iniisip kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Ganoon ba? Okay ka lang ah, sa susunod kasi wag kang tatakbo at mag iingat ka." Napangiti ako sa paraan nya ng pag aalala.

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon