Gail's POV
"Saglit!" Sigaw ko sa taong papalayo sa akin.
Hinabol ko sya pero kahit anong bilis ko ay hindi ko sya magawang abutan. Sa pagmamadali kong mahabol ang taong yon ay nadapa ako.
"Wag mo kong iwan please." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya.
Saglit na tumigil sya, nagkaroon ako ng pag asa na babalikan nya ko pero mali pala ako dahil tumigil sya para sa isang babae na di ko maaninag ang muka na lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay saka sila nagpatuloy sa paglalakad palayo at iniwan ako.
Inipon ko ang natitirang lakas ko para magsalita.
"Parang awa mo na wag mo akong iwan." Luhaang pakiusap ko.
Tumigil syang muli pero nanatiling nakatayo at hawak ang kamay ng babaeng kasama nya. Dahan dahan syang lumingon sa akin, nadurog ang puso ko sa nakita ko.
"Ate Aerial." Sambit ko.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa mawala na sila ng tuluyan sa aking paningin.
"W-wag."
"Wag."
"WAGGGGGGG!"
Ng bigla akong magising.
Tinignan ko ang paligid, nasa kwarto parin ako, tama nakatulog nga pala ako kanina. Napansin ko naman na basang basa ako ng pawis kahit na medyo malamig sa loob ng kwarto dahil sa aircon. Nagawi ang mata ko sa digital clock na nasa table. 12:05pm na pala.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago mag ayos.
Matapos ay bumaba na ako ng makasalubong ko naman si tita Lori.
"Oh Gail gising kana pala tataas na sana ako para gisingin ka dahil kakain na." Sabi ni tita Lori at iginiya ako sa kusina.
Nakahanda na ang lahat, ang taong kakain nalang ang kulang.
Adobong manok at inihaw na bangus ang ulam, mukang masarap.
"Upo kana iha." Ipinaghila pa ako ni tita Lori ng upuan.
"Salamat po." Pagpapasalamat ko. "Ah tita sabayan nyo na po ako, please?" Pakiusap ko dahil kahit madalas akong kumain mag isa ay hindi padin ako nasasanay sa ganoon.
Walang pag aalinlangang tumango sya sa akin at saka umupo.
"Ang sarap!" Hindi ko maiwasang reaksyon ng matikman ko ito. "Kayo po ba ang nagluto?" Tanong ko pa.
"Oo ako nga isa yan sa mga paborito ni Aerial kaya madalas ko lutuin." Nakangiting paliwanag ni tita Lori sa akin.
Sa pagkarinig ko ng pangalan na yon ay naalala ko ang kaninang masamang panaginip ko. Pakiramdam ko tuloy ay nawalan ako ng gana.
Matapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko. Baka naman masyado lang akong nag iisip.
Pero bakit ganon? Apektado ako.
Parang gusto ko na agad makita si ate Aerial ngayon. Ang sabi nya kanina ay maaga syang makakauwi. Ala una y media na.
Bumaba na akong muli para hintayin na sya sa may bungad ng mansyon.
Binati pa ako ng hardinero ng makita ako na syang nginitian ko naman.