Gail's POV
Nakaupo ako sa study table ng aking kwarto habang seryosong nakaharap sa laptop.
Matapos kong mag review ng mga lessons ko ngayong araw ay naisip kong maglibang. Sa sobrang pagka bored ko ay napunta ako sa isang site kung saan pwedeng maka pagbasa ng mga iba't ibang klaseng storya.
It looks interesting, hm hindi na masama.
Click!
Ang kauna unahan kong nakita ang napili kong basahin.
Hindi sya ganon kahaba, short story lang kumbaga.
Tungkol ito sa nagmamahal ng tapat sa taong hindi handang suklian ang kanyang pag ibig.
Nasasaktan sya pero patuloy parin na nagmamahal.
I don't even know why i end up reading this.
Sigh.
I don't get it.
Bakit ba ang daming nagpapaka tanga sa pag ibig. Why can't they just leave the person alone kung ayaw nito sa kanila.
Mas gusto pa nila ang nasasaktan sila. Dapat ay mas pahalagahan nila ang kanilang mga sarili kesa ang mga taong wala namang paki alam sa kanila.
Tok! Tok!
Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok, kasunod nito ang pagpasok ni tita Lori. May dala itong tray ng pagkain.
"Iha magmeryenda ka muna, baka nagugutom kana." Nakangiting bungad nya sa akin habang inilalapag ang pineapple juice at sandwich.
"Thank you po tita." Pagpapasalamat ko.
Tita Lori was very kind, sya ang saglit na papalit kay Nana para magbantay sa akin. She's actually a nurse before according to her, and that's one of the reason kaya pumayag sya na alagaan ako although hindi ako pasyente kundi isang batang musmos na kailangan ng kalinga. Sigh.
Napaka gaan ng personalidad nya at palangiti kaya madalas nagiging kakuwentuhan ko sya.
Pagkatapos ng insidente sa gubat hindi sya umalis sa tabi ko dahil sa pag aalala, kaya ang nangyari buong gabi kaming magkausap kaya napag alaman kong sya pala ang mama ni Aerial.
Ang dami naming napag usapan, lalo na ang tungkol kay Aerial dahil noong una ay ipinagtaka ko pa kung paano ding naligaw ito sa gubat. Pero ng ipaliwanag sa akin ni tita Lori ang nangyari ay parang nainis ako sa sarili ko dahil sa abalang idinulot ko pati sa kanya, kaya naisipan kong humingi ng tawad sa kanya ng gabi ding iyon kaya lang sabi ni tita ay mas makakabuti daw kung kinabukasan nalang para makapag pahinga ako. Sinabi din nyang mas matutuwa si Aerial kung magpapasalamat ako kesa ang humingi ng pasensya.
Ngayon alam ko na kung san sya nagmana ng kabaitan, maging si tito Renan ay ganon din.
"Kayo po ba nagmeryenda na?" Tanong ko sabay kagat ko sa sandwich.
"Wag mo akong alalahanin iha tapos na ako, kamusta ang pag aaral mo?" Pansin nya sa mga notes kong maayos na naka patas sa study table.
"It's fine tita, maaga kaming natapos ni Mrs. Gamboa dahil sa may di sya inaasahang lakad." Tukoy ko sa tutor ko.
I'm home schooled ever since madalang akong umaattend sa school, dalawang beses lang sa isang linggo.
