II.

142 3 0
                                    

Aerial's POV

Nag aayos nako ng gamit na dadalhin ko sa pagpunta ng mansyon.

Nagtext na kasi sakin si Papa kanina para itanong kung asan naba ako.

Kaya nagmamadali ako ngayon dahil alas onse na ng umaga. Aabutan nanaman ako ng mainit na sikat ng araw sa daan, mukang naging paborito ako ni haring araw nitong mga nakaraan kaya panay ang pasikat nya sakin.

Agad akong pumara ng tricycle pagkatapos kong isara ang aming gate.

"San ho tayo ma'am?" Tanong sakin ng driver.

Kinuha ko ng phone ko at ipinakita sa kanya ang address na itinext ni Papa kanina.

Royal Heights Village
3268 Ayala Residence

"Naku ma'am hindi po kami pinapahintulutan na pumasok sa loob ng village na yan. Hanggang gate lang po kami." Kamot ulong sabi ni kuya.

"Ah sige ho, kahit doon nalang sa may gate nyo ako ihatid." Sagot ko.

Saglit lang ang naging byahe namin siguro mga 15mins tama nga malapit lang pala ito.

Pagbaba ko sa may gate ay agad akong nilapitan ng guard. "San po tayo ma'am?"

"Sa Ayala Residence po sir." Mukang hindi sila agad nagpapasok basta basta nang kung sino.

"Ma'am may gate pass po ba tayo?"

"Ah-eh wala po Sir e." Pag aalinlangan ko.

"Pasensya na po hindi po namin kayo pwedeng papasukin." Magalang na paumanhin ng guard. "Pero ma'am kung mayroon po kayong kakilala sa loob ay okay lang po na magpasundo para makapasok na kayo." Dugtong nya pa.

Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Papa na sinagot naman nya agad.

"Hello Aerial! San kana?"

"Andito napo ko Pa pero di ako makapasok depende nalang kung masusundo niyo ako." Sumbong ko.

"Sige papunta nako riyan." Toot-toot-toot.

Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na agad nya ang phone napaka bait talaga ng tatay ko.

Ilang saglit pa e may puting kotse na dumating sa may gate.

"Chief! Sunduin ko lang ang anak ko." Napa nganga ako. Si Papa yung nagmamaneho ng puting Audi.

"Oh boss anak mo pala yan, oh sige ma'am pasok kana." Ngiting sabi sakin ni manong guard.

"Si-sige po salamat!" Gulat padin na sagot ko kay manong.

Pagka sakay ko ng kotse ay agad kong pinalo si Papa sa braso.

"Aray anak, ano ba?" Nakangising reklamo nya.

"Ano to Pa! Bakit kotse pa ang ginamit nyo mamaya makagalitan kayo ng amo nyo." Reklamo ko.

"Ano kaba okay lang sa kanila , eto naman talaga ang gamit ko na service sa pagsundo sundo o pagpunta sa labas kapag inuutusan." Diretsong nakatingin lang si Papa sa daan habang nagmamaneho.

"Audi? Ang sosyal naman siguro napaka yaman nila. Halos lumuwa yung mata ko ng makita ko kayong sakay kanina." Di padin ako maka move on.

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon