Aerial's POV
Hanggang ngayon ay nagtataka padin ako kung anong ginagawa Gail sa loob ng kwarto na tinutulugan ko.
"Pasensya kana ate, hindi na kasi ako makapag intay kaya ginising na kita." Ayan na naman yung mga pamatay nyang ngiti ay ano bang nangyayari sa akin.
"Teka Gail ano palang ginagawa mo dito, diba dapat ay nagpapahinga ka?" Pagtataka ko.
Napatingin ako sa wall clock na nasa dingding ng kwarto. Alas otso na pala ng umaga, ang haba nang naitulog ko.
"Gusto ko lang magpasalamat sayo. Actually kagabi ko pa gustong sabihin yan kaya lang ay ayaw nila akong payagang lumabas ng kwarto ko dahil kailangan ko pa daw magpahinga." Nakangusong reklamo nya sa akin.
Malamang di talaga sya papayagan, lahat na halos ay nataranta sa nangyari. At malamang na magagalit ang magulang nya kapag nalaman pa ito, hay.
Pero ang cute ng expression nya sa totoo lang kaya lihim akong napangiti.
"Ganon ba? Teka okay kana ba?" Muli kong pag aalala sa kanya.
"Yes po! Okay na okay nako." Masiglang sagot nya. "Tara na ate breakfast na tayo." Yaya nya sa akin.
Hindi na sya nakapag intay na tumayo ako kaya hinila na nya ako sa kamay.
"Teka Gail dahan dahan lang baka matapilok tayo." Bigla naman syang huminto sa paglalakad kaya tumama ang baba ko sa tuktok ng ulo nya.
Aray ko.
"Ay sorry ate hindi ko sinasadya, sabi mo kasi dahan dahan e kaya binagalan ko."
Tumingala sya sa akin at hinawakan ang baba ko para tignan.Bigla tuloy akong napatingin sa ibang direksyon dahil naiilang ako sa mga tingin nya.
Parang may mali sa sitwasyon namin.
"Okay na ate." Lumingon ako sa kanya pero wrong move ata kasi nanatili parin syang nakatingin sa akin.
"Ah sige tara na Gail breakfast na tayo." Pag iiba ko at nauna na akong maglakad.
Naramdaman ko na may malambot na bagay sa kamay ko. Kamay ni Gail.
Hinayaan ko nalang kahit para kaming ewan na magka hawak kamay pa habang bumababa ng hagdan.
Sinalubong kami ng isang kasambahay ng mansyon na syang yumuko sa amin.
"Handa na po ang breakfast nyo sa may dining area Miss Gail." Sabi nya at saka magalang na umalis.
Ganto pala ang mayayaman, parang isang prinsesa ang turing nila kay Gail.
"Tara na ate." Hila nanaman nya sa akin.
Nang makarating kami sa dining ay hindi makapaniwalang napatulala ako sa lamesa, napaka daming pagkain.
Narito na ang lahat ng pagkain na madalas ihain sa umaga. May corned beef, ham and egg, bacon at hotdog. May mga assorted fruits din na nakahanda at kakainin nalang.
"Ah may kasabay ba tayong kumain?" Tanong ko dito.
"Wala naman, bakit?" Takang tanong nya sakin.
