III.

130 4 0
                                    

Aerial's POV

Kasalukuyan kaming naka upo ngayon sa may kalakihang puno. Malayo mula sa kaninang lugar kung san may ahas na nagpakita.

Hindi alam ni Gail ang pabalik at ganon din ako kaya nagpasya kaming maghintay na lamang na makita kami dito nila Papa.

Medyo pahapon narin, tumingin ako sa relong suot ko para tignan ang oras.
4:56pm na at mamaya ay mabilis nang lalalim ang gabi. Hindi pwedeng manatili kami dito dahil baka lalo kaming mapahamak.

Madami pang pwedeng mapanganib na hayop ang makita namin kung magtatagal pa kami dito. Isa pa mukang nilalamig nadin si Gail.

Napasulyap ako sa kanya.

"Gail!" Nag aalala kong tawag sa kanya dahil may sugat sya sa bandang braso na ngayon ko lang nakita, medyo nagulat pa sya sa biglaan kong pagtawag sa kanya.

"Bakit ate?" Sagot nya sa nanghihinang boses.

"May sugat ka patingin ako." Lumipat ako sa may kanan nya at sinuri ang sugat nya. Napabuntong hininga ako salamat naman akala ko ay kagat ng ahas.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at ipinulupot sa nagasgasang braso ni Gail.

"Masakit ba? Pasensya kana ah wala akong magawa." Paumanhin ko.

"Okay lang ako ate medyo nanghihina lang pero okay lang." Pinipilit lang nya siguro ang sarili nya pero alam kong pagod na sya.

Brrrrr~

Tunog na nagmula sa tyan nya, napatingin ako sa kanya. Nag aalala na ako sa kanya baka mamaya ay mapahamak syang lalo kaya dapat ay gumawa ako ng paraan.

"Sorry." Nahihiyang paumanhin nya.

"Gutom kana ba? Kelan kaba huling kumain?" Usisa ko.

"Kahapon pa, hindi ko nagawang galawin ang pagkain ko kanina dahil sa nalaman ko ang tungkol sa pag alis ng parents ko. Palagi nalang nila sinasabi sakin ang mga lakad nila kung kelan paalis na sila kaya naman di ko maiwasang magtampo." Pag amin nya na parang maiiyak na naman.

Muli akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya bigla ko syang niyakap. Halatang nagulat sya sa ginawa ko pero hinayaan nya lang ako at saka gumanti ng yakap.

Tama nga ako nilalamig sya, ramdam ko base sa panginginig ng katawan nya.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi parin kami nakikita nila Papa. Tumayo ako at patalikod na umupo sa harap nya.

"Gail, mag gagabi na sakay ka sa likod ko ipapasan kita hanggang sa makita na natin ang pabalik sa mansyon." Seryoso kong saad baka kasi mapaano pa sya.

"Pero ate mabigat ako mapapagod kalang at isa pa nakakahiya." Pagtanggi nya.

"Sige na mas di naman ako papayag na abutan ka ng pagkakasakit dito sa gubat." Pagkumbinsi ko pa.

Sa huli ay pumayag din sya at dahan dahang sumakay sa likod ko at mahigpit na yumakap.

Naramdaman ko na naman yung kung anong kuryente sa katawan ko.

Nakakainis kung ano anong pumapasok sa utak ko e samantalang nasa gitna kami ng panganib.

Inayos ko ang pwesto nya sa likod ko para maging komportable sya.

Tumayo na ako at nag umpisang maglakad. Hindi naman sya ganon kabigat ang totoo nga ay magaan lang sya.

Dahan dahan akong nag lalakad at tinatandaan ang mga nadadaanan namin para di kami lalong maligaw. Bigla akong kinilabutan ng bumulong sya sa may bandang tenga ko.

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon