Aerial's POV
"Yel!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko.
Habol hininga ako dahil sa pagmamadali at saka tinungo ang direksyon ni Eron kasama ang iba pang mga kaibigan namin na prenteng nakatambay dito sa oval ng campus.
"Ang akala ko ba ay andyan na si Prof Lu kaya pinagmamadali mo akong pumasok pagkatapos ay nakatunganga lang naman pala kayo dito." Paangil kong sabi kay Eron.
Patext text pa ang lalaki na to na magmadali daw ako dahil may surprise quiz kami pagkatapos ay heto muka silang mga batang hamog na nakatambay lamang dito.
"Yang si Eron ang may dahilan wag mo kaming bubugahan ng apoy." Depensa ni Kai na oa pa sa pagkakaharang ng mga kamay sa akin.
"Tigilan mo yan Kai para kang tanga." Asar ko dahil muka syang si April Boy na kumakanta ng di ko kayang tanggapin.
Sinimangutan lang ako ni Kai at saka nag make face na ikinatawa naman ni Leigh.
"Chill kalang kasi may dalawang good news ako sayo." Taas babang kilay na sabi sa akin ni Eron.
"Siguraduhin mo lang na good news yan kundi eto ang sasalubong sayo." Naka amba ang kamao kong itinapat ito kay Eron.
"Oo eto na nga." Tumikhim pa sya bago ulit nagsalita. "Una wala tayong klase kay Prof Lu dahil may lakad daw ito."
Kunot noong napatingin ako sa kanya. "E bakit mo ako pinagmamadali?"
"Yun na nga ang pinaka good news sa lahat." Tuwang tuwang sabi nya.
"E ano nga?" Naiinip na tanong ko.
"Dahil wala tayong klase ay makikita natin dito ngayon sa oval kung paano maglaro ng volleyball ang mga taga Psychology Department." Ngiting ngiting si Eron.
"E ano naman?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang slow mo Aerial nakakainis! Leigh ikaw na nga ang mag explain sa babaing yan." Naiinis na reaksyon ni Eron na naging dahilan ng tawanan naming tatlo ni Leigh at Kai.
Umayos ng upo si Leigh at saka tumingin sa akin.
"May PE class kasi dito sa oval ang psychology dept." Bahagya syang tumigil sa pagsasalita at hinihintay kung nagets ko na ba ang sinasabi nya. "Okay sige sasabihin ko na, ibig sabihin lang non kasama don si Aira."
"Ah." Tanging sagot ko at ng marealized ang sinabi ni Leigh ay nanlaki ang mga matang napatingin ako sa kanila.
Lahat sila ay nakatutok ang atensyon sa akin at pilit pinipigilan ang mga tawa.
"Ayoko na bahala kayo dyan aalis na ako." Akmang aalis na ako ng biglang hawakan naman ako ni Kai at Eron sa magkabilang balikat saka inupo.
Hindi tuloy ako makaalis sa pwesto ko dahil inipit ako ng dalawang damuho na to.
"Pambihira ka naman Yel madalang nga nating makita si Aira dahil iisa lang ang subject natin na kasama sya pagtapos ay aalis ka." Muktol ni Eron.
"Ayan na sya Yel." Napatingin ako sa direksyong tinitignan ni Kai.
Isang grupo ng mga nagtatawanang babae ang naglalakad palabas ng comfort room ng oval.