Chapter 2

558 21 0
                                    

MAXINE NEIH'S POV

"Hello Reese."

"Yes, Ma'am."

"Pwede bang humingi ng pabor?"

"Ano po yun Ma'am?"

"Ipasok mo ko sa Music Academy."

"P-Pero Ma'am sabi po kasi ni Sir na--"

"Ipapasok moko o papatanggal kita sa trabaho?"

"O-opo. Masusunod po. Mamaya pong gabi ay hihintayin po kita. I-Irerready ko na po yung mga gamit niyo dito."

"Sige, salamat."

Nilabas ko na yung maleta ko at nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. Hanggang sa matapos ako at tinago ko muna yung maleta sa ilalim ng kama ko para di nila makita. Naligo ako at nagpalit ng damit, humiga muna ako sa kama ko at umidlip.

"DON'T YOU GIVE UP! NANA! DON'T YOU GIVE UP NANA!"

Alarm tone yan!

Pagtingin ko sa cellphone ko, 8:00 pm na. See? Dinner na di parin nila ako inakyat dito sa kwarto. Malamang si Manang umakyat na yun dito kasi siya lang naman may CARE sakin dito e. Bumaba nako at nakita ko si Manang na naghahanda ng pagkain para kanino?

"O anak, gising kana pala. Eto o pinaghanda na kita kasi alam kong nagugutom kana." ngumiti ako sakanya at naupo nako. 

Nagsandok nako ng kanin at nagsimula nang kumain. Umupo naman si Manang sa harap ko, alam ko na sasabihin niyan.

"Narinig ko yung usapan niyo kanina ni Reese."

d0_0b

I was wrong!

"T-Talaga p-po?"

"Mmm?"

Kumagat labi lang ako sign na nagmamakaawa kay Manang.

"Alam ko ang mga titig mong yan. O siya, ililihim ko ito sa Mama mo pero sa isang kondisyon..." hinawakan niya yung kamay ko. "Hanapin mo ang iyong ama at sana't mapilit mo siyang bumalik dito ha?"

"Opo, Manang."

"O siya, bilisan mo na riyan at aalis kana."

Yun lang at umakyat nako sa kwarto ko at nagbihis. Hinila ko yung maleta ko sa ilalim ng kama ko ang maleta ko at dahan-dahan akong bumaba para hindi ako marinig nila mama at Marky. Hinatid ako ni Manang sa gate kung saan may nag-aabang na kotse.

"Manang, mauna na ho ako. Ingat po kayo a. Huwag niyo pong sasabihin kay Mama at Marky ha? Kahmsamnida Manang! Dangsin- eulbogo Manang!" at niyakap ko siya.

(Translation: Kahmsamnida = Thank you/very much, Dangsin-eulbogo = See you)

Sumakay nako sa kotse at tsaka naman pinaandar ni Kuya yung sasakyan at umalis na kami. Tahimik boung biyahe habang ako naman ay naka-headphones lang. Nakatingin lang ako sa bintana at napapansin kong nagbabago na yung way...Baka hindi ko pa to narating dati.

Nasa tapat kami ng gate ng ordinaryong eskwelahan.. Siguro ito na yung Music Academy pero kasi parang ang luma na. Gusto ko na tuloy umuwi! ANIYO! Ayoko mas pipiliin ko pa dito kesa naman sa bahay namin.

"K-Kuya, s-sigurado po ba kayong d-dito yung M-Music A-Academy?"

d-_-b

do_0b

HINDI NIYA AKO SINAGOT!

Nanahimik nalang ulit ako at nakinig nalang ulit sa music. Unti-unti kong nararamdaman na....parang nagbabago na yung paligid. Gumaganda na! E...ano yung nakita ko kanina? Psh!

"Nandito na po tayo Ma'am. Maaari na po kayong bumaba." sabi ni Kuya at ngayon ko lang siya natitigan. Gwapo siya, may salamin sa mata nakataas yung buhok niya pero mukhang pagod na siya tsaka--

"Ma'am?"

"H-Ha?"

"Ang sabi ko po nandito na tayo."

"Ahh sabi ko nga e."

Bumaba nako at kukuhain ko na sana yung maleta ko nang may humawak nang kamay ko.

d-_-b

Ang breezy naman nito ni Kuya hindi ko naman sinabing kailangan ko yung tulong niya e. Baka mamaya duguan na to sa harapan ko.

"Ako na po Ma'am. Utos po kasi sa amin na huwag daw po namin pahirapan yung mga babae dito." ngumiti siya at nauna siyang maglakad.

'Ang daming alam'

Pumasok kami sa loob ng...tingin ko dormitory at medyo madilim na sa hallway. Pagkalagpas ng walong pintuan ay nakarating na kami sa room ko.

"Hanggang dito nalang po Ma'am."

"Kahmsamnida Oppa!"

do_0b

d-_-b

"M-Ma'am?"

"AH! Sabi ko Salamat Kuya. Sige na magpahinga ka na." tinapik ko yung balikat niya at pumasok na ako sa loob.

???d0_0b??????

PURO SILA LALAKING NERD!

Lumabas ulit ako para habulin si Kuya pero wala na siya.

'Tuleg! Diba nga sabi mo magpahinga na siya!'

Pumasok na lang ulit ako at pumunta ako dun sa natitirang kama at  nilagay ko na yung gamit ko sa ilalim ng kama. Akala ko pa naman ako lang mag-isa dito tsk! Napansin ko lang.......lahat sila seryoso! May mga salamin nga sa mata pero may itsura naman sila, mapuputi at matatangkad siguro.

*K N O C K*

Tumayo ako para buksan at pagkabukas ko nakita ko kaagad si Reese. Ang seryoso ng mukha niya, hindi ako sanay!

"Please follow me Miss Maxine." tumango lang ako at sumunod sakanya sa paglalakad.

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang magtanong.

"Reese, bakit nga pala puro lalaki kasama ko dun sa kwarto ko?" hindi parin siya tumitigil sa paglalakad.

"I don't know Ma'am."

d0_0b

YUN NA YUN??? Baka gusto nitong si Reese na duguan na siya ngayon!

Pumasok kami sa isang office at naupo kaagad ako. Sinimangutan naman ako ni Reese kaya tumayo ulit ako. Biglang may spotlight sa harap ko, may nakaupo na lalaki sa swivel chair pero nakatalikod siya sakin. Sakanya nakatutok yung spotlight.

"Good evening Iha.." bati niya pero hindi ako sumagot. "Talagang wala kang galang ha? Kaya pala na-expell ka sa PIS. Well, ngayon sasabihin ko sayo ang mga patakaran dito sa Music Academy. UNA! Pwede kang mambully PERO hindi basta basta nag mga ugali ng tao dito. Kahit sabihin mong mga NERD sila, may mga tinatago yang mga ugali. PANGALAWA, no headphones and cellphones aloud during classes.  PANGATLO, tago itong school na ito kaya walang nakakaalam ng mga ginagawa ng mga estudyante dito. PANG-APAT, hindi dahil MUSIC ang pangalan ng academy na ito ay puro pakikinig lang ng music ang ginagawa. Mag-aaral kayo kung paano mag-compose ng kanta, tumugtog ng kanta, mag-record lahat lahat. PANG-LIMA, mag-ingat ka sa mga tao sa sa paligid mo. Yun lang at maaari ka nang bumalik sa iyong kwarto."

??????d0_0b??????

Tumayo ako at saka na pumunta saka naglakad papuntang kwarto. Habang naglalakad sa hallway na nakayuko, biglang may nakabangga ako.

"ARAAAY!" 

"M-Miss s-sorry h-hindi ko sinasadya."

Pagtingin ko sakanya...

do_0b

d0_0b

"IKAW?!"

Music AcademyWhere stories live. Discover now