Chapter 12

338 9 0
                                    

MAXINE NEIH'S POV

"Anong ginagawa mo dyan?!"

"Sinabi kong hindi mo kailangang sumigaw Noona.."

"Oo alam ko yun..wala lang ako sa mood. Umupo kana ASL."

"ASL?" biglang tanong ni Ash na nasa tabi na niya si Sophia.

"Malalaman mo din, search mo sa Google."

"Psh!"

'Pikon amp!'

"Kumain na tayo.." sabi ko at tsaka nagsimulang kumain. Kita ko sa gilid ng mata ko na sinusulyapan ni Marky si Sophia. 

'Kaya pala bigla kang sumingit kanina? Kasi pinagtatanggol mo si Sophia ha!'

"I-Ilang taon kana Sophia?"

d0_0b

TINANONG NI MARKY SI SOPHIA!

"Ahmm 15."

"Same age pala tayo haha! Di ko akalain!"

Lumipas ang ilang oras at nagpatuloy na mag-usap sila Sophia at Marky. Natapos na akong kumain at tsaka ko niligpit yung pinagkainan ko. Ganito kasi dito, self service. Naunang umalis sila Marky at Sophia at naiwan kami ni Panyo dito.

"Mukhang close na kaagad yung mga kapatid natin a! Kelan kaya tayo?" biglang pagbasag ni Panyo sa katahimikan at tinignan ko lang siya. Nakangiti siya ng malupit sakin.

"Kasing labo ng mata ko ang tiyansang mangyare yan.."

"Bakit? Gano ba kalabo yung mata mo?"

"500.."

d0_0b

"Parehong mata.." dagdag ko pa.

"B-Ba't hindi ka nagsasalamin?"

"Nagcocontact lens ako.."

"Kaya pala kakaiba yung mata mo no?"

"Kakaiba ba para sayo?" ningitian ko siya at halata namang nagulat siya.

"Hindi naman..."

Tumayo at sumunod naman siya sakin. Pasipol sipol siya habang naglalakad kami sa hallway. Tanungin ko kaya to tungkol dito sa academy...

"Hoy.." mahinang tawag ko sakanya at tumingin naman siya sakin. "Meron ba ditong mga dance group?"

"Meron naman DATI! Pero pinatanggal ni Mas--"

"O? Ba't ka tumigil?"

"Pero pinatanggal ni Principal kasi madaming nahihirapan na estudyante sa pagsayawa at pagkanta at the same time. Madami naring nagkakasakit at namatay noon kasi nga sobrang pag-practice hindi na naalagaan ang sarili nila. Kargo talaga ni Principal yun!"

"E di sana sinali nila yung mga may kaya sa ganung group! Baka naman kasi iba iba yung sinasali nila!"

"May lider kasi sila noon dito, leader ng dance group. Tapos nakahakot sila ng madaming awards, yung lider naman yumabang kaya ayun. Hinarapan yung mga performances nila na hindi pinapaalam kay Principal. nag sabi kasi ni Principal, yung mga madadali lang na performnaces pero may angas pero yun!"

"Napagod na yung mga kasama dun?"

"Oo.. sa sobrang gustong manalo. Pinagod yung sarili at ngayon bangkay na."

Music AcademyWhere stories live. Discover now