Chapter 13

316 12 0
                                    

ASH DEIB DY'S POINT OF VIEW

"Queenie?"

"Ash..."

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Ako? Naiwang tulala.

Iyak siya ng iyak sa balikat ko. Para siyang batang ngayon lang nakita yung nanay niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak, ngayon ko lang ulit siya nayakap, ngayon ko lang ulit siya...nasilayan.

Inalis ko ang mga braso nya sa bewang ko at tumingin siya sakin. Iyak parin siya ng iyak at humihikbi narin.

"Na-miss kita.."

Hindi ko siya sinagot.

"Ash.."

"Bakit ka nandito?"

"A-Ash, gusto kitang makita. Kailangan nating mag-usap.." hinawakan nya yung kamay ko at hinila nya ako palayo pero hindi pa kami nakakalayo binitaw ko yung kamay ko.

"Ash.."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa.."

Tumalikod ako at nagulat ako nang yakapin nya ko sa likod ko. Hindi na kaya ng mga luha ko na magpumigil pa, kaya tumulo na sila.

"Ash..." lumunok muna at tsaka umiyak muli. "Mahal parin kita. Alam mo ba? Muntik nakong mamatay kakalaslas ko sa sarili ko, nagtangka akong mag-take ng drugs buti nalang nandyan sila Mama at Kuya. Ash, can we make our love story again?"

"Kahit kelan hindi ako kasama diyan sa love story love story mo.."

"Ash.."

"Narinig mo siya, sabi niya hindi daw siya kasama diyan sa love story mo kaya kumalas kana sa pagkakayakap sakanya..para kang higad!"

SI MAXINE NEIH!

Ramdam kong kumalas sa pagkakayakap si Queenie at lumapit naman siya kay Neih. Patay na!

"Ako? Higad? Tignan mo muna yung sarili mo bago ka magsalita ng ganyan sa harap ko. Bakit kayo magkasama kanina?"

"Hindi ako higad, poste lang ako. Ano naman kung magkasama kami?"

*PAAAKK!*

SINAMPAL NIYA SI NEIH!

"Queenie.."

"Ash! Ito na ba yung bago mo? Mas maganda pako dito e! Para na nga ngang kalansay to sa payat tapos ang gulo gulo pa ng buhok tapos...may pants pang nakapatong sa palda niya! Anong klase yan?"

"Queenie.."

"Siya ba Ash? Siya ba?"

"Queenie! Just! Just fvking leave okay? I don't want to see you anymore!"

Lumapit ulit sakin si Queenie at lumuhod siya sa harapan ko at umiyak nanaman.

"Ash please we need to talk. About us, about everything."

"There will never be an US."

Binitaw ko yung kamay ko at hinila ko si Neih at naglakad kami palayo.  Medyo malayo na kami at binaling ko ang paningin ko kay Neih, napansin kong..hindi na niya hawak yung kamay ko. Ang bilis naman nyang mahigit yung kamay niya!

"Okay ka lang?"

"Ye.."

"Patingin nga!"

"Huwag na. Wala ito."

"Patingin sabi e!"

"Ayoko nga diba?! Ang kulit!"

Music AcademyWhere stories live. Discover now