Chapter 4

486 17 2
                                    

MAXINE NEIH'S POV

"JEONGMAL BANHAESSEO ONEUL BAM NEOWA CHUMCHUGO SIPEO......BOOMBAYAH! YAH YAH YAH BOOMBAYAH! YAH! YAH! YAH! BOOM BOOM BA! BOOM BOOM BA! OPPA!"

Sigaw ko habang sumasayaw sa loob ng kwarto.

*DOORS OPEN*

d0_0b

d-_-b

"S-Sorry." sabi ko at umupo ako sa kama ko. NAKAKAHIYA! NAKITA NILA AKONG SUMAYAW..

"Anong sorry! Ang galing mo kaya!" tinapik ako sa balikat ni...hindi ko pa alam pangalan niya. Hindi ako nagsalita at humiga nalang at nagtalukbong ng kumot sabay harap sa kabilang side.

"Ang mahiwagang mensahe!"

Message tone yan! Huwag kang ano!

Tinignan ko yung celllphone ko, puro text ni Marky at ni Mama.

'Anak, uwi kana dito.'

'Noona, where did you go? Mom is so worried.'

'Iha, hinahanap ka na ng Mama mo. Bumalik kana kaya.'

'Noona, i miss you.'

Tinawagan ko si Marky at nagri-ring naman..

"Hello?"

"NOONA?!"

"M-Marky.."

"Noona, where are you? Alalang-alala sayo si Mama!"

"Sa lugar na hindi mo alam. Nasan si mama?"

"U-Umalis siya..k-kasama si Papa.."

"Yun naman pala e! Kaplastikan ba yung tinext niya?"

Nagsisimulang nang tumulo ang mga luha ko.

"H-Hindi naman sa ganun, Noona.."

"Eh bakit kasama na naman niya yung lalaking yun?!" napaupo ako at napasandal sa unan ko. "Akala ko ba lalayuan na niya yung lalaking yun ha?"

"H-Hindi ko din alam Noona.. Umuwi kana kasi dito!"

"Ikaw din e! Kaplastikan din ba yang sinasabi mo?"

"Hindi.."

"Sigurado ka? Pagkatapos mo kong isumbong lahat ng ginagawa ko sa school?!"

"Ginawa ko lang naman yun para mapansin ka ni ma--"

"Well hindi yun dapat pansinin ni mama! Kung gusto mo ikaw lang lagi, edi ikaw!"

"Noona.."

"Bye na."

"Noo--"

Call Ended..

Inis akong napatingin sa apat na lalaki at halata sa mukha nila ang pagkagulat.

"Bakit?!" medyo inis kong tanong.

Lumapit silang lahat sakin at tumabi. Dumistansya naman ako ng kaunti.

"Okay, para malinaw sayo..Magpapakilala kami." panimula nung tumapik sakin sa balikat. "Ako si Mac Ethan Cruz. Ito naman si Edward Jaz Buenvito" turo niya sa lalaking katabi niya. "Ito naman si Ezra James Buenvito bali kambal sila." turo niya sa dalawa. "Last but not the least Ash Deib Dy,ang pinaka-gwapo, matalino--"

"Ano bang sinisigaw mo kanina?" tanong ni Ash.

"Hindi mo ba nakita? Kausap ko yung kapatid ko."

Music AcademyWhere stories live. Discover now