Chapter 14

356 8 3
                                    

ASH DEIB DY'S POV

"Ano po?" kunwaring tanong ko pero narinig ko naman talaga yung sinabi niya e. Gusto ko lang na ulitin niya.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko kaya hindi ko na uulitin." seryoso niyang sabi at tsaka bumuntong hininga.

"Palagi ko kayong nakikita ng anak ko na magkasama at pakiramdam ko napaka-kumportable niya sayo at talagang bagay nga kayo.." ngumiti siya pero naging seryoso ulit. Mood swing?

"Pwede po bang diretsuhin niyo na ako. Ano po bang meron kay Maxine bakit niyo sinasabi ito sakin?"

Lumapit siya sakin pero hindi ako umatras. Ngumiti siya pero makikita mo sa ngiti niya na may halong lungkot. Ganto ba talaga tong tatay niya? Weirdo?

"Alam kong madami akong pagkukulang sa anak ko at alam mo yan hindi ba? Matagal na kong nakakaramdam ng sakit sa ulo at pakiramdam ko, unti-unting nawawala yung mga memorya ko. Ngayon na nagkita kami ng anak ko, tsaka niya naman ako hindi gustong makasama. Sana ay kapag nawala ako o kaya yung memorya ko..." niyakap niya ako at ramdam kong umiiyak na siya. 

"Mahalin mo ang anak ko higit pa sa pagmamahal na binigay ko sakanya.."

Literal akong napanganga, ano bang sinasabi niya?

"Matagal na kayong may sakit pero bakit ayaw niyong ipaalam kay Max?" lumayo ako sakanya at tumingin naman siya sakin.

"Ayokong mag-alala siya sakin..."

'Kabobohan!'

"Kita niyo naman po sa kilos niya at mukha niya na wala siyang pakialam e! Bakit hindi niyo pa sabihin sakanya? Masakit po itong sasabihin ko pero, wala akong gusto kay Max. Kaibigan niya lang po ako at hanggang doon lang po kami. Bakit hindi niyo po subukang kausapin si Max? Mahirap ang sitwasyon niya dahil iniwan sila ng nanay niya!" hindi ko napigilang mapasigaw. Dala siguro to ng emosyon ko.

"Hindi pa ako handa para kausapin siya."

"Sir.." tumingin lang siya sakin at hinawakan ko siya sa balikat. "Sasamahan kita sakanya.."halatang nagulat siya sa sinabi ko pero naging normal ulit ang tingin niya.

"Sigurado kaba diyan?" tumango lang ako at ngumiti siya ulit. Weirdo!

"Tawagin mo siya." utos niya at agad naman akong lumabas ng office niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganto, parang hindi siya yung Principal na nagsasalita sa harap namin at nagbibigay ng payo. Pagdating pala sa anak niya parang ang duwag duwag niya, parang siya pa yung anak kaysa kay Max e. Pumunta ka agad ako sa Canteen at nandun si Max--isa lang masasabi ko.

ANG GANDA NIYA!

Nandun siya sa table namin habang naka-upo at pinagkakaguluhan ng lahat. Siya? Kumakain lang habang naka-headphones. Bastos talaga e! Lumapit kaagad ako sakanila at ang daming bulungan.

"Max! Ang ganda ganda mo! Pwedeng makipagkaibigan? I'm Jessel."

"Max! Pwedeng magpa-autograph?"

"Max, idol kita!"

"Max pwede kitang maging room mate!"

"Max, para kang artista!"

"Artista? Dyosa kamo!"

"Max! I love you!"

Napatingin ako sa lalaki na nagsabi nun at sobrang lapit niya kay Max. May kakaiba akong nararamdama e! Hindi ko maipaliwanag.

Music AcademyWhere stories live. Discover now