ASH DEIB'S POV
"Ash! Gising na, hinihintay ka na ni Nae Nae sa labas."
d0__0b
SERYOSO?!
Dali-dali akong bumangin at tsaka pumunta ng banyo. Hindi parin maalis sa ko yung sinabi sakin ni Jenshin kahapon pagkatapos dalhin si Payat sa clinic. Ito naman palang si Payat, kaya naman pala nawalan ng malay kasi hindi pala kumain yun kaya nahilo.
F L A S H B A C K
"Huwag mong masyadong pagmasdan yung mukha niya, baka gusto mong mabugbog."
Paglingon ko sa likod ko, nakita ko yung lalaki kanina sa Canteen na kasama ni payat. Ang tangkad ng mokong nato a! Talo ako sa height!
"Anong pinagsasabi mo? Hindi ko kaya pinagmamasdan.."
Lumapit siya sakin habang nakapamulsa, ang sama ng tingin niya sakin.
"Ito ang tatandaan mo, kapag nakita pa kitang kasama mo siya...." nilapit niya yung mukha niya sakin. "sisiguraduhin kong hindi kana makakahinga pang muli." at tsaka niya ko nilagpasan.
"Eh pano bayan? Magkasama kami sa show next month?"
Tinignan ko kung ano yung ginawa niya kay Payat. Binuhat niya si Payat at tsaka niya ko nilagpasang muli.
"Edi maganda, pareho ko kayong papatayin.."
Naglakad siya palayo at naiwan ako sa Park na gulong-gulo ang isip.
E N D O F F L A S H B A C K
Natapos nakong maligo at nagbihis na.
"Pre, kanina pa naghihintay yun o.." ngiting-ngiting sabi ni Mac.
"Ano naman?"
Hindi siya nagsalita. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko siyang nakasandal sa pader na may earphones sa tenga habang kumakain ng lollipop.
'Kaya ka hindi tumataba e'
"Ba't moko hinihintay?" tumingin siya sakin at biglang naglakad palayo.
'Abnormal..'
"Diba sabi mo kailangang MAG-PRACTICE?" rinig kong sabi niya habang naglalakad siya. Sinundan ko naman siya at magkatabi na kami ngayon, hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at tumigil kami sa paglalakad. Tumingin ako sa mga mata niya..
"Kaya nga tara na e.." binitawan ko siya at nauna ako sa paglalakad.
MAXINE NEIH'S POV
Abnormal ba siya? Patigil-tigil pa sa paglakad yun lang pala sasabihin. Sinundan ko lang siya sa paglalakad. Ang saya nga ngayong buwan e! Walang klase kasi nga lahat busy sa preparations para sa show next month. Kami lang ata ni Panyo (Deib) hindi busy e, pano ba naman abnormal kasi.
Napansin kong tinatahak namin daan ay patungong.....taas? May taas pa pala to? Hindi ko naman kasi nililibot to e,, nakakatamad. May binuksang pinto si Panyo at tsaka naman siya pumasok dun, sumunod ako sakanya at nasa.....rooftop kami? Ang daming instruments dito, halos lahat ata nandito na e! Umupo siya dun sa may isang upuan at kinuha yung saxophone tsaka siya tumugtog. Sa totoo lang, wala akong alam sa Saxophone, piano drums at gitara lang kasi yung tinutugtog ko. Kaya wala akong alam diyan at tsaka ang boring amp!
"Huy! Tumayo ka nga dyan! Akala ko ba kakanta tayo? Ba't may sarili kang mundo diyan? Tara na mag-practice na tayo." sigaw ko sakanya at tumingin siya sakin.
"Madaming tayong time Payat okay? Kaya relax ka lang okay?"
d-__-b
"Tsk! Kumanta na kasi tayo para matapos na!"
"Ba't parang sa tono ng boses mo, gustong-gusto moko maka-duet?"
"Tsk! Ikaw naman tong si feeling?"
Tumayo siya at naglakad papalapit sakin, nakangiti siya ng napakalaki sakin.
"Aminin mona, gusto moko maka-duet.."
'Feeling amp!'
"Hindi.."
"Aamin nayan!"
"Bahala ka nga dyan, kakain nako." magalalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Tinignan ko siya at tsaka ko binaba yung paningin ko sa kamay namin.
"Bitawan moko.."
"Tara na mag-practice na tayo. Pikon ka nanaman e.."
"Abnormal..."
Lumipas ang ilang oras at SA WAKAS! May nabuo narin kaming desisyon! Sila by SUD yung kakantahin namin. Sabay na kaming pumunta sa Canteen para mag-lunch, pero itong kasama ko kanina pa nakatulala. Hindi ko alam kung bakit, ayoko namang tanungin.
"Anong gusto mo kainin?"
"Kahit ano basta walang hipon, crabs at hindi masyadong maanghang."
Pumunta na siya sa pila at nandito naman ako, naghihintay. Kinuha ko yung cellphone ko at tsaka headset sa bulsa ko at tsaka pinatugtog yung Stigma by BTS. Sayang! Hindi ako makakapunta sa concert nila, kahit anong buwan ka kasi pwedeng pumasok dito sa Music Academy. Gusto ko pa naman pumunta dun, kaso wala akong pera tsk! Malapit pa naman na birthday ko, sa May 7 na.
"O eto..."
d0_0b
"Ang dami naman nito..."
"Para tumaba ka.."
Kinuha ko yung steak tsaka ako nagsimulang kumain.
"Balita ko magco-concert dito yung BTS a! Pupunta ka?"
"Paano ako pupunta? UNA may show tayo next month baka di ako payagan ni Reese PANGALAWA walang akong pera. Kung gusto mo,libre moko."
"Gusto mo?"
"Sus! Kuripot ka naman e.. Huwag nalang."
"Bahala ka, bibilhan ko pa naman yung kapatid kong si Sophia. Uuwi pa naman siya mamaya.."
'Nagpaparinig bato?'
Kumain lang ako at tsaka naman tumunog yung cellphone ni Panyo.
"Hello?.....O talaga?......Nasan ka?......Lah? Hindi kita makita!.......Pumunta ka nalang di--"
"Nandyan siya sa likod mo o..."
Lumingon siya sa likod niya at nakita niya yung babaeng tingin ko 13 years old na.
"Sophia!"
"Ash hyung!" sabay yakap nung babae sakanya.
So siya yung kapatid ni Panyo, maganda siya at tsaka magkamukha talaga sila.
"Ayy Sophia, ito nga pala si Maxine. Maxine, Sophia, Sophia, Maxine."
"HI PO! NICE TO MEET YOU!"
d-_-b
"Kailangan bang sumigaw?" seryosong sabi ko kay Sophia.
"A-Ahmm..."
"Hindi.."
d-_-b
Hay nako!
"Marky?"
Itutuloy....
HI GUYS! SALAMAT SA PAGBABASA NITES! SORRY KUNG HINDI AGAD AKO NAKAPAG-UPDATE. SALAMAT ULIT!
Facebook Page: MissBritishPrincess
Twitter: Pilosopiya20
YOU ARE READING
Music Academy
Teen FictionMusic Academy, isang paaralang makapagbabago ng ugali ng isang tao.