MAXINE NEIH'S POV
"Maxine..."
"O?!"
"Gising na!"
"Bakit?!"
"Basta gising na!"
Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Marky..
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Uhmm.. Visiting you?"
Tumayo ako at humarap ako sakanya.
"Umalis kana dito..NOW!"
"Aniyo! I want to stay here Noona! Maybe i will be a cute nerd here hehe." pa-cute na sabi ni Marky.
"Grabe ka naman sa kapatid mo Max--"
"Don't call me Max."
"Edi Neih nalang as in Nae Nae hehe!" pagbibiro ni Mac.
Inakbayan ko si Marky habang naglalakad papunta sa pinto. Tumigil kami sa tapat ng pinto humarap ako sakanya.
"Alam mo Marky, miss na miss kitaa!" sabi ko habang kinukurot yung pisngi niya. Dahan-dahan ko namang nilalapit yung kamay ko sa pinto at tinulak ko siya palabas at sinara ulit yung pinto.
"Huy! Ma--Neih! Kawawa naman yung kapatid mo!"
"Wala akong pake!"
Tinulak ako ni Ezra at ni Edward at binuksan nila yung pinto. Nakita ko si Marky na umiiyak.
'Iyakin amp*ta!'
"Marky, pumasok kana dito." napatingin si Marky kay Ezra at pumasok naman siya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis na tanong ko kay Marky.
"Binibisita ka nga! Ang kulet!" inis na sabi ni Ezra.
"O ito nakita mo na ako. Okay kana? Kaya pwede ka nang umalis kasi may klase--"
"Wala tayong klase ngayon. Tuwing Wednesday walang pasok."
d0__0b
SI ASH!
"Bakit ka naman pumunta dito?" inis na tanong ko sakanya. Huminga naman silang lahat (sigh)
"BINIBISITA KA NGA!"
"Kailangan bang sumigaw!?"
"Ang kulet mo kasi e!" inis na sabi ni Ezra.
"Kumain na nga muna tayo! Tara!"
Tumayo ako at ako ang unang lumabas saming lahat. Habang naglalakad kami ang daming nagsisibulungan.
"Kapatid niya bayan??"
"Siguro! Kamukha sila malamang magkapatid sila!"
"I LOVE YOU KUYAAA!"
"Tignan mo yung buhok niya, kakagising niya lang ba?"
"Hahahahahahah!"
Napatingin naman ako sa likod ko , nagsisitawanan sila.
"Anong nakakatawa?"
"Nakakatawa kasi yung buhok mo! Hahahahha!" tawang-tawang sabi ni Marky.
"Pake mo ba?! Gusto ko nang ganto e!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen. Umorder nako kaagad at umupo sa malapit na table, sumunod naman sila sakin.
YOU ARE READING
Music Academy
Teen FictionMusic Academy, isang paaralang makapagbabago ng ugali ng isang tao.