CHAPTER I

198 3 0
                                        

Andito kami ngayon sa iskul kasalukuyang nakatambay ng bigla akong kinalabit ni Stephanie habang nakatungo sa ginagawa kung assignment sa Science.

Kaya napilitan akong tumingin sa tinitingnan nila. "Kimberly, look who's coming this way?" Ininguso nito ang lalaki na patungo sa umpukan namin.

"Omigosh!" kinikilig na sabi ni Maja. "Patungo sa atin si Mikho!" ang tinutukoy nito'y ang Campus Heartthrob ng iskul.

"Oh, Mikho ng buhay ko!" bulalas namang sabi ni Collete sabay hawak sa dibdib.

"Ang OA ninyong pareho," wika naman ni Stephanie na umikot pa ang mga mata. "Hindi naman kayo ang sadya ni Mikho kundi si Kimberly."

"Eh ano? masilayan lang namin siya'y kumpleto na ang buhay namin," ani Maja ang mga mata'y nakasunod sa bawat hakbang ng papalapit na si Mikho.

He! magsitigil nga kayong dalawa," inis na saway ko sa mga kaibigan ko. "Hindi na kayo nahiya. Pati kayo'y nakiki-swoon sa hambog na iyan."

"Ang KJ mo talaga," pairap namang sabi ni Collete sa akin. At iglap ding nawala ang panunulis ng nguso at isang pagkatamis-tamis na ngiti ang humalili sa mga labi nito nang lingunin ko ang topic ng bulungan nila.

"Hi, Mikho...."

Mikho smiled charmingly. "Hello, girls," lumapit ito sa akin at itinaas ang isang binti sa bench na inuupuan ko at itinukod doon ang dalawang braso habang tinititigan ako.

"Hello, beautiful....." Isang pilit na ngiti ang iginanti ko rito. Huwag lang masabing suplada ako. Ganoon man, ang ngiti ko hindi nagpapahiwatig na anyayahan ko siya na makiumpok sa amin. Nayayabangan ako sa kanya. Numero-unong playboy. Sobra ang tiwala sa sarili dahil nga maraming mga babae ang nagkakagusto at nagpapakitang may crush dito. Kasali na ang mga kaibigan ko.

"Maaga pa naman," wika nito kasabay ng tingin sa relo sa braso. Isang oras pa bago ang next subject natin, gusto kong mag-imbita sa canteen. Lahat kayo at sagot ko. Nakatitig ito ng husto sa akin habang nagsasalita.

"Sure!" excited na sagot ni Maja.

"Talaga namang sa canteen kami...." Ang idudugtong na salita ni Collete kaso napigilan ko dahil siniko ko siya sa tagiliran.

"Thank you. Pero may assignment pa kong gagawin, pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. "Sabi mo'y katatapos...." Hindi rin natapos ang protesta ni Stephanie dahil sinundan ko agad ang sinabi.

"But of course, you can go, girls, "Nakakahiya naman kay Mikho kung hindi ninyo siya pagbibigyan, di ba?"

"Thanks for inviting, Mikho," nadidismayang sabi ni Stephanie. "Some other time na lang paglibre na si Kimberly.

Hindi nito itinago ang frustration at iritaasyon sa mukha. "Bakit ba hindi na kita maimbitahan, Kimberly?" sita nito na nakakunot ang noo. "Ano pa ba naman ang kulang sa akin?" Umikot ang mga mata ko. "You're alomost perfect, Mikho," Wala na kong hahanapin pa. Kaso nagkataong wrong timing ka. Marami kasi akong assignment ngayon, Okay?"

Sandaling hindi kumibo si Mikho, "Well, ano'ng magagawa ko? See you around girls...."

"Bye Mikho," chorus na wika ng tatlo. Yumuko ako at kinuha ko yung notebook ko sa bag at inilabas ko para gawin na ang mga assignment ko.

"Ano ka ba naman, Kim!" ani Collete. "Alam naman nating pareho na wala ka nang gagawing assignment, ah."

"Hindi ka namin maintindihan, susog naman ni Stephanie. "Bakit ba lagi mo na lang sinusungitan iyong tao?"

"Sinusungitan?!" I smiled at him, didn't I?" "Hindi ko maintindihan kung bulag ka o nagpapakipot," ani Stephanie sa matabang na tono. "Iyong ibang girls sa campus nag-aabang na lapitan sila ni Mikho. Tapos ikaw....." Sadya nitong ibinitin ang sinasabi. "Talaga po," segunda ni Maja.

"Hindi ko mapaniwalaang lantaran kayong nagpapakita ng paghanga sa lalaking iyon. Tuloy, akala yata ni Mikho ay siya na ang pinakamagandang regalo ng mga diyoses sa mga babae."

"Ayokong pagtalunan natin ang mayabang na iyon, girls. Anyway, hindi ko naman kayo inawat na tanggapin ang invitations niya, di ba?" Iniligpit ko na ang mga gamit ko. Isinukbit ko sa kabilang balikat ang isang strap ng backpack ko. Tumayo at niyuko ko ang mga kaibigan ko. "At hindi ako nagpapakipot! Iam simply not interested in him.

Let's go." Tumalikod na ko at nagpatiunang lumakad. Nagmamadaling dinampot ng tatlo ang mga gamit sa bench at sumunod sa akin.

Dahil wala naman akong gagawin na assignment natulog na lang ako nang maaga. Paggising ko.

"MORNING, Dad, Mom....." bati ko sa mga magulang ko nang lumapit ako sa breakfast table. Hinila ko ang  upuan sa tabi ni Daddy. Hindi ko gustong pansinin ang kunot sa noo ni Daddy. Nahuhulaan ko na kung bakit.

"Ano ang nangyari sa unahang bumper ng kotse mo, Kimberly?" tanong ni Daddy. Ang tono'y nagbabadya na magagalit ito anumang sandali. "Saan mo na naman ibinangga ang sasakyan mo?"

"Mas nauna mo pang itinanong ang kotse, Daddy. Hindi mo man lang ba aalamin kung nasaktan ako? Or if I suffered a broken rib or some bruises in my body? Kasabay niyon ay dumampot ako ng isang hiwang pritong tapa at isinubo ko.

"Try a new tactic, sweetheart," ani Daddy na umiling. Ang nagbabadyang galit ay nahaluan ng amusement. "You wouldn't be here kung nasaktan ka. Now kaninong bakod o pader o kotse ang nadagil mo? At magkano na namang danyos-perhuwisyos ang mabi-bill sa akin?"

"You're bad, Daddy," sagot ko habang nginunguya ko ang pagkain. "Don't worry, Dad. Sa gilid ng pader ng iskul tumama ang bumper ng sasakyan ko. Nagkamali ako ng tantiya. Pero kahit luma na iyong pader, matibay." At nag-alala pa nga silang lahat sa akin, eh."

"Hindi tama ang ginagawa mo, Kimberly," ani Mommy habang sinasalinan ng mainit na gatas ang tasa ko. "At age of seventeen, you shouldn't be driving yet. At mula nang matuto kang magmaneho ilang beses mo nang ibinangga ang sasakyan mo.

"You couldn't be that irresponsible. Paano kung sa susunod na bangga ay masaktan ka?"

"Eh kasi naman, Mommy ang luma-luma na nang sasakyan ko.

"Tama ang Mommy mo, Kimberly," patuloy ni Daddy sa seryosong tono." Paano kung masaktan ka?"

"Daddy, hindi naman ako mabilis mag-drive. At ang mga bangga ko'y lagi na sa tuwing nagmamaniobra ako.

"Okay. If I promise to drive carefully, will you give me your word that I can have my new car on my birthday next month?

"You know the rule, Kimberly. Pagka-graduate mo ng kolehiyo. "Iyon ay kung magiging matino at responsable kang driver. Or else....." yang lumang sasakyan ang magiging sasakyan mo sa matagal na panahon, sweetheart.

"Pangako, Daddy," nagmamaktol kong sabi. "From now on until my graduation day.... I will be driving very very carefully and responsible. Then nagpaalam na ko at nag-kiss kanila Mommy at Daddy para pumasok na sa iskul.

ANG BOYFRIEND KONG NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon