Tulad ng inaasahan ng lahat hindi maiwasan na pagkomparahin kaming magkapatid tulad ngayon si Ate na naman ang high school valedictorian dito sa iskul namin samantalang ako pangalawa lang sa kanya.
Nagtataka naman ako sa iyo Kimberly, wika ni Stephanie. Kayang-kaya mo naman maging number-one sa klase pero hindi mo pinagsikapan. Di sana sa graduation natin ikaw ang valedictorian. Sumimangot ako dalawang buwan mula sa araw na iyon ay magtatapos na kami ng high school.
"Okay lang, Stephanie. Hindi naman mababa ang mga grades ko, ah," di ba nga pangalawa pa ako sagot ko habang binabagtas namin ang pathway papunta sa room upang daanan si Ate may meeting kasi sila kasama ang adviser namin.
"Hindi nga pero-o ayan na pala si Grace, eh," ani Stephanie nang matanaw naming naglalabasan na ang mga officer at iba pang estudyante sa room. Maaga kaming pinalabas kasi may meeting ang mga officer kaya pumunta muna kami sa library. Tamang-tama ang pagpunta namin hindi na kami maghihintay ng matagal kay Ate.
Kinawayan ko si Ate. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin kong nagpapahid ito ng mata.
"Umiiyak ka ba?" Namumula kasi yang mga mata mo. "Wala, sagot nito at inayos ang knapsack sa likod.
"Tara na at baka naghihintay na si Daddy sa atin. Tuloy-tuloy na kami sa paglalakad ng may nakasalubong kaming estudyante na tumatakbo kung hindi ako nakaiwas ay baka nabunggo ako.
Ma'am! Ma'am Santiago! sigaw ng estudyante at tuloy-tuloy sa loob ng classroom na nilabasan nila Ate. Napahinto kami sa paglalakad. "Bakit kaya? tanong ni Ate.
Hindi pa man naglipas sandali'y humahangos na lumabas si Ma'am Santiago ng silid-aralan. Sa likod nito'y ang estudyanteng lalaki na tumatakbo kanina. Hinarang ko yung estudyante dala ng kuryusidad.
"Ano'ng nangyari? Bakit humahangos kayo ni Ma'am Santiago? tanong ko sa estudyanteng lalaki.
"Eh yung anak kasi ni Ma'am....." humihingal na sabi nito.
"Bakit ano ang nangyari sa anak ni Ma'am? patuloy na usisa ko. Nakamasid lang sila Ate at Stephanie pawang nasa mga mukha rin nila ang kuryusidad.
"Nakikipag-away sa may canteen si Jason Karl....." sabi nito at kumawala sa pagkakahawak ko at muling tumakbo samantalang ako tulala at nagulat sa sinabi ng estudyante.
"Tara sa canteen!" yaya ko at patakbong sumunod dun sa estudyanteng lalaki. Nakitakbo na rin sila Ate at Stephanie. Si Jason Karl ay kaklasmate namin nila ate. Anak ito ng isa sa mga matatandang guro ng San Sebatian School. Si Mrs. Amelia Santiago.
Pagdating namin sa canteen nakita naming hawak-hawak na ni Ma'am Santiago ang anak na si Jason Karl sa braso at inilalayo. At ang mga kaaway nito ay hawak na rin ng dalawang guardiya ng iskul.
Napadaan sa akin ang mag-ina at hindi sinasadyang nagtama ang paningin namin ni Jason Karl. Napaatras ako ng isang hakbang at nakipkip ko nang husto ang mga gamit ko sa dibdib dahil sa poot na nakita ko sa mga mata niya bagaman alam kong hindi patungkol sa akin ang galit na iyon.
Sinundan ko ng tingin si Jason Karl habang akay ng kanyang ina pabalik sa silid nito. May kataasan kasi ito at payatin sa edad na disisais. Sanhi upang lagi itong tuksuhin ng mga kaklasmate namin.
"Bakit kaya nakipag-away si Jason Karl? tanong ko sa sarili ko. Iyon ba ang dahilan kung bakit nakipag-away ito. Pero mula nang unang dumating ito sa iskul may dalawang taon na ang nakaraan ay lagi na nitong naririnig ang tuksong iyon. Subalit wala akong alam na nakipag-away ito ng ganun.
Napuno na kaya ito? Niyaya ko nang umalis sila Ate at Stephanie nang maalala ko na baka hinihintay na kami ni Daddy. Tamang-tama paglabas namin andun na si Daddy sa harap ng gate ng iskul namin kaya nagpaalam na kami kay Stephanie malapit lang kasi sa iskul ang bahay nila at sumakay na kami ni Ate sa sasakyan.
Pag-upo namin sa sasakyan biglang nagsalita si Daddy. "Bakit namumula yang mga mata mo, Grace? tanong ni Daddy nang nasa sasakyan na kami. Ito ang sumundo sa amin ni Ate.
"Ay oo nga pala, dumukwang ako sa harapang upuan nila Ate. Nakalimutan ko na nga pa lang itanong ito kay Ate dahil natuon ang pansin ko dun sa away sa canteen.
Suminghot muna si Ate bago nagkuwento. Nagpaalam kasi yung adviser namin kanina Daddy. Iyon na daw po yung huling araw niya sa iskul namin kasi nag-resign na daw po siya. Siyempre nalulungkot ako.... Since first year ay teacher ko na siya sa Science. And she was so nice to me...."
Magre-resign na si Ma'am Santiago? singit ko. Bakit hindi pa niya hinintay yung graduation, two months na lang at magtatapos na kami ng high school dito sa iskul. Marami akong masasayang ala-ala dito na mami-miss ko.
"Baka naman sa March pa ang effectivity ng resignation niya hija," wika naman ni Daddy. Though I'm curious bakit siya nag-resign eh, wala pa naman sa retirement age ang adviser n'yo at medyo bata pa.
Tumikhim si Ate at tiningnan si Daddy. "H-haven't you heard the rumors, Daddy...."
"What rumors?" kunot-noong tanong ni Daddy bago ibinalik ang pansin sa daan.
"What about it? Tell us...."
"Three days ago nahuli daw ni Ma'am Santiago mommy ni Jason Karl ang Daddy niya na...na.....I mean....Oh, Daddy, it's so disgusting. He was caught in another women's arms sa mismong servant's quarters ng bahay nila.
"Oh!" And who was the woman, Ate?" Nilingon ako ni Ate at tiningnan ng masama. Ganoon man sinagot pa rin niya 'yung tanong ko.
"Ang Katulong...."
"Katulong!" bulalas ko.
"What a shame Dad!"
"Shut up, Kimberly, " banayad na saway ni Daddy. "At ayon sa narinig namin pinalayas daw ni Ma'am Santiago yung kanyang asawa at katulong.
"Iskandalo nga iyan. Baka nahihiya si Ma'am Santiago kaya nag-resign. "Di ba Daddy? tanong ko. Subalit hindi na nagkomento si Daddy at tahimik na nagmamaneho. Alam namin na hindi na gusto ni Daddy na ipagpatuloy ang usapan tungkol sa ganoong bagay.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit nakipag-away si Jason Karl. Tinukso marahil ito ng mga kaklasmate namin tungkol dun sa ginawa ng papa niya.
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG NERD
Novela JuvenilKahit ilang beses pa akong masaktan dahil lang sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.