Vacant period namin ngayon. Nasa concrete bench kami na nakapaikot sa ilalim ng punong santol. Iyon ang tagpuan naming magkakaibigan dito sa iskul.
"Guess what, Kimberly!" malayo pa'y excited nang sabi ni Maja.
"What?" Si Stephanie ang sumagot.
"Si Mikho!" Kinikilig nitong sabi at naupo nang pasalampak sa makapal na damuhan paharap sa akin.
"Kung ano man ang ibabalita mo tungkol kay Mikho, Maja, hindi ako interesado," pagtataray ko kasabay ng pagtaas ng kilay.
"OA mo talaga, Maja." wika ni Stephanie. "Ikaw naman ang gustong i-date ni Mikho, ganoon ba?" Nabaling ang tingin nito kay Stephanie. "Wrong ka diyan!"
"He asked me kung p'wede ko daw siyang tulungan sa iyo!" "Akala ko pa naman ikaw ang gustong i-date kaya ka kinikilig. Ano ba naman ang exciting doon? Alam naman nating lahat na head-over-heels iyon kay Kimberly."
"Well, it's so exciting dahil kahit paano'y nakausap ko siya nang malapitan." "And take note, sa akin pa siya nagpapatulong, ha!"
"Hey, girls! Look who's coming?" ani Collete na nakatingin sa lalaking nasa di-kalayuan at papalapit sa gawi namin.
"Si Nerdie Boy!" bulalas ni Maja. Madalas nilang pagtawanan ang lalaki kapag nakita nila itong nag-iisa o di kaya'y naglalakad. Makatawag-pansin kasi ito. Hindi dahil sa gwapo. Kundi dahil nakakatuwa itong tingnan. Naka-polo ng puti na hanggang leeg ang pagkakasara ng mga butones. At ang buhok ay nakasuklay na patalikod na kung tingnan ay sinaunang ayos at nangingintab dahil sa pomadang nakalagay. Bukod doon ay nakasalamin ito at itim ang kulay ng frame. At karaniwan na kapag binabati nila'y gumaganti naman ng ngiti at lumalabas ang braces nito.
"Wow naman sa porma!" nakatawang sabi ni Collete. "Pustahan tayo, hindi maaaring hindi titingin dito iyan," ani Maja na sinabayan ng hagikhik. Alam ng lahat na may crush ito kay Kimberly dahil hindi naman nito itinatago iyon.
"Sino naman ang pupusta sa iyo?" sagot naman ni Stephanie. "At tumigil na nga kayo. Nakakahiyang makita kayo ni Jason Karl na pinagtatawanan ninyo siya."
Tahimik si Jason Karl. Laging nag-iisa. At kung may kasama man ito ay ang nag-iisa nitong kaibigan, Si Kevin, na sa pagkakaalam ko'y may crush kay Stephanie. At ito rin mismo ang nagpaalam sa mga kaibigan ko na may pagtingin si Jason Karl sa akin.
Bukod kay Kevin ay wala na kong alam na malapit kay Jason Karl. At alam ko ang dahilan kung bakit mas pinipili nito ang mapag-isa. At marami sa mga tao ang nakaalam sa iskandalong kinasangkutan ng pamilya nito.
Magmula rin noon ay lalong dumalang ang pag-uwi ng ama ni Jason Karl. Limang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari ang iskandalo sa pamilya nito. at limot na ng nakararami. Subalit hindi marahil si Jason Karl who must have suffered the trauma.
Nag-angat ako ng paningin at tulad ng inaasahan ng mga kaibigan ko ay lumingon si Jason Karl at nahihiyang nginitian ako. Impit na nagtilian at panunukso sa akin ang mga kaibigan ko.
"Magsitigil nga kayo!' saway ko sa mga kaibigan ko lalo na kanila Maja at Collete. " Nakakahiya naman doon sa tao, pinagtatawanan ninyo."
"Ipinagtatanggol mo! May crush ka ba?" pang-aasar ni Maja.
"Wait guys," ani Stephanie bago pa ko makasagot. "Sa ating apat ay si Kimberly lang ang hindi pa nakaranas magka-boyfriend, di ba?"
"Well, nandiyan si Mikho," mabilis na suhestiyon ni Maja. " Tama ka," sang-ayon ni Stephanie. "But isn't it exciting kung ang magiging first boyfriend niya ay si...." Ibinitin nito sandali ang sinabi. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan ko at kay Jason Karl na nakaupo sa damuhan at nagbuklat ng libro.
"Si Jason Karl!" bulalas ni Maja na siyang pinaka-excitable sa apat. Nanlaki ang mga mata at nilingon ang binata na pasulyap-sulyap sa amin.
"Well, just for fun, bakit nga ba hindi?'" nangangantiyaw na tono ni Collete. "At sa pagkakaalam namin ay wala pang naging girlfriend si Jason Karl, Kimberly. You will be the first and he would be yours. Why, it's going to be fun!"
Napataas ng kilay ko sa mga narinig ko sa mga kaibigan ko. "You're out of your minds!"
"Kimberly, sweetheart, isang "oo" mo lang kay Mikho tiyak na mag-on na kayo agad. Ang boring naman niyon. Hindi na pagtatakhan ng lahat iyon. Katuwaan lang natin, bakit hindi mo pakiharapan ng mabuti si Jason Karl. At dahil alam naman nating lahat na may crush siya sa iyo, pag niligawan ka'y sagutin mo agad!" sulsol ni Stephanie.
"Oo nga, sinegundahan naman ni Maja. Bakit nga ba hindi nang magkaroon ka na ng boyfriend. Tingnan natin kung paano ma-in love ang isang nerdie boy. That's exciting and very challenging di ba?"
"Why me, Hindi ko pinangarap na maging boyfriend ang nerd na iyan." pagtataray ko.
"Sige na, Susubukan mo lang naman," patuloy na panghihikayat ni Stephanie.
"Excuse me, Kung gusto n'yong mag-experiment kayo na lang. I couldn't imagine!" Tumayo na ko at iniwan silang nagtatawanan. Na siyang malaking pagkakamaling nagawa ko dahil hindi maaaring hindi ako dadaan sa kinauupuan ni Jason Karl. At kung lilihis ako ng daan baka isipin ni Jason Karl na iniiwasan ko siya. Wala namang ginagawang masama sa akin iyon tao.
"Hi, Kimberly," bati nito kasabay ng pagtiklop ng libro at tumayo. "Papasok ka na ba? Maaga pa."
"P-patungo ako sa canteen."
"Ikaw?" Nililis nito ang mahabang manggas at tumingin sa relo. "Thirty minutes pa. Gusto mo bang samahan kita sa canteen?" Kaya kong isnabin ang ibang mga boys sa campus, lalo na si Mikho, pero hindi ko iyon magawa kay Jason Karl.
"S-sure....." nakita ko ang ngiti ng kasiyahan sa mga labi nito.
Sa College canteen ay nakasalubong namin sa entrada si Mikho at dalawa sa barkada nito. Humarang ito sa may pinto ng canteen.
"Hello, Kimberly," bati nito at nginitian ako. Sandali lang sinulyapan nito si Jason Karl na nasa likod ko.
"Papasok ka ba sa loob?"
"Obvious ba?" pasuplada kong sagot.
"Come on in, then. Sagot ko ang meryenda mo? At pagkasabi niyon ay hinawakan nito ang braso ko at iginiya niya ko sa loob.
"Bitawan mo ako, Mikho, ano ba! May kasama ako...." Binawi ko ang kamay ko at nilingon ko si Jason Karl na hinarangan ng dalawang barkada nito sa pagpasok sa canteen.
Nakita ko ang pagtiim ng mukha ni Jason Karl at akmang magpipilit na pumasok sa kabila nang nakaharang ang dalawang barkada ni Mikho. Kung magpipilit akong tanggihan si Mikho baka mapaaway si Jason Karl. At wala itong laban sa tatlo. Bumalik ako sa may entrada ng canteen.
"It's okay, Jason Karl," wika ko rito.
"Are you sure?" tanong nito. At pinaglipat-lipat ang tingin sa akin at sa nakangising si Mikho na tila nang-iinis.
Tumango siya. He gave her one long last look bago tumalikod. Sinundan ko ito ng tingin.
"Nagpa-escort ka sa nerd na iyon?" ani Mikho na hinila ang isang silya para sa akin. "Ano ka ba naman, Kimberly. Kung kailangan mo ng escort at maglilibre ng snack, narito naman ako. Ano ang gusto mo?"
"Hindi ko gustong magpalibre sa iyo, Mikho!" Pagkasabi ko niyon ay mabilis na kong tumalikod palabas ng canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/12457601-288-k64966.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG NERD
Fiksi RemajaKahit ilang beses pa akong masaktan dahil lang sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.