Mabilis na kumalat ang balita sa buong campus na boyfriend ko na si Jason Karl. Tawa nang tawa ang mga kaibigan ko nang ikuwento nila kung ano ang hitsura ni Mikho nang malaman niya na sinagot ko na si Jason Karl.
" Kung nakita mo lang ang mukha niya," ani Stephanie.
"Namumula!" wika naman ni Collete. "Lalo na nang kantiyawan ng mga kabarkada niya.
"Naaawa nga ako, eh," Nakaganti na nga kayo, pinagtatawanan n'yo pa." ani Maja.
"Naaawa ka sa mayabang na iyon samantalang kung kantiyawan ninyo si Jason Karl at pagtawanan ay ganoon na lang," wika ni Stephanie kay Maja.
"Ang sakit mo namang magsalita," nasasaktang sabi nito.
"Basta Kimberly, I wish you and Jason Karl all the luck." ani Stephanie.
"Ups, nandiyan na si Nerdie boy este lover boy," ani Collete nang makitang papalapit na ito sa amin.
"Wow, Kimberly!" Tingnan mo at naka-long sleeves na naman gayong kay init-init ng panahon.
"Hello, bati ni Jason Karl sa amin.
"Hi, Jason Karl."
"Exit muna kami. Maiwan muna namin kayo ni Kimberly," wika ni Stephanie. Ingatan mo friend namin, ha?"
"Hey, bakit nakasimangot ka?" Galit ka ba?"
"B-bakit ako magagalit?"
"Then smile.
"Maupo ka."
"Ginawa ko na nga pala ang assignment mo sa Science. Heto."
"Paano mong.....?"
"Dumaan ako sa room ninyo kahapon at nakita ko nang magbigay ng assignment ang prof ninyo. I copied it.
"T-thank you, Jason Karl. I-inabala mo pa ang sarili mo. Mas marami kang dapat gawin dahil graduating ka na ngayon."
"Hindi abala 'yan. Gusto ko ang ginagawa ko para sa iyo, Kimberly." siyanga pala hindi ko nakita sa parking lot ang kotse mo. Nasa talyer pa rin ba?"
"Oo, Bakit?"
" Ihahatid na lang kita mamaya pag-uwian na natin."
"S-sure." Time ko na. I'll go ahead."
"Sasabayan na kita hanggang sa room mo."
"Ikaw bahala. Tara na baka ma-late pa tayo.
"BOYFRIEND mo na pala si Jason Karl," wika ni Daddy sa akin siya kasi ang sumundo sa akin sa iskul pag-uwi ko kaya hindi ako naihatid ni Jason Karl at nagpaalam na lang siya sa akin.
"Maagang nag-boyfriend ang bunso n'yo, Daddy?" At saka okay lang po ba sa inyo ni Mommy na si Jason Karl ang magiging boyfriend ni Kimberly?"
"Why? What's wrong with Jason Karl?'
"I was a year ahead of Jason Karl in high school at kumalat sa iskul iyong balita tungkol sa papa niya....."
"At ano naman ang kinalaman ni Jason Karl doon, hija?"
"S-sino naman po ang nagsabi sa inyo?"
"Si Jason Karl mismo ang nagsabi sa amin, hija."
"You're almost eighteen. At labag man iyon sa amin ng Mommy mo na hindi ka pa makikipag-boyfriend nang hindi ka pa nakakatapos ng pag-aaral mo pero pumayag na rin kami. Kasi nangako naman si Jason Karl na hihintayin ka muna niyang makatapos ka ng pag-aaral mo. At gusto ko ang ginawa niyang pagpapaalam sa amin ng Mommy mo na liligawan ka at ipaalam ding magkasintahan na kayo. Kung sabagay ay kilala ko naman din yang batang iyan na mabuti at mabait na tao.
"At tipong mapagkakatiwalaan naman yung tao," sabi ni Mommy."
"I like him, too, Daddy." Pero hindi mo ba masabi sa boyfriend mo na medyo baguhin naman iyong ayos niya. And those braces dapat ay tanggalin na niya iyon."
"Mary Grace."
"Daddy, constructive criticism yang sa akin." Kung tuturuan ni Kimberly na mag-ayos ang boyfriend niya, he could pass for a good looking man, considering that Jason Karl is tall and dark handsome."
"Ano naman ang gusto mong gawin ng kapatid mo,eh bata pa rin naman iyan," ani Mommy.
"Kung siya nga ay bata pa rin sa lahat ng bagay. Kung ako lang ang tatanungin ay hindi ko pa gustong mag-boyfriend si Kimberly. Ang Daddy n'yo lang kasi, kunsintidor."
"Because you spoiled her, Daddy, Mommy. She'll be eighteen weeks from now . Dapat na dalaga na kung kumilos iyang anak ninyo since na nakikipag-nobyo na."
"Ang ganda naman dito, Jason Karl!" Nasa isang mataas na falls kami na nakatanaw sa dagat."
" I'm glad you like it here, Kimberly." This is my favorite place.....tahimik at malayo sa karamihan."
"Yeah, this is beautiful, Jason Karl!"
"Really?"
"I helped plant this three when Mommy first brought me here."
"Gaano na katanda ang punong ito, Jason Karl?"
"Two..... Four years......"
Ito marahil ang isa sa mga paraan ng Mama ni Jason Karl upang aliwin at makalimutan niya ang nangyaring iskandalo sa mga magulang nito. Mula sa bulsa ng maong ay may dinukot ito ang kanyang susi ng sasakyan. May nakakabit doong hunting knife at lumapit sa may puno at nagsimulang mag-ukit sa punong-kahoy.
"What are you doing?"
"Iuukit ko ang pangalan nating dalawa sa puno."
"Ang corny mo, ha. Don't tell me, lalagyan mo pa yan ng puso at arrow sa may gitna?"
"Sana. Pero dahil nangangantiyaw ka na,eh di pangalan na lang natin ang ilalagay ko...."
'Anong oras naman matatapos iyan? Baka gabihin tayo'y niyan at hanapin na ako nila Mommy at Daddy...."
"Maaga pa naman at saka sandali lang naman ito at para hindi ka mainip mamasyal ka muna diyan panoorin mo ang pagbagsak ng tubig mula sa falls. But be careful not to slip."
"Okay."
"Hey!" Come and see for yourself....." Ano ang masasabi mo? Corny ba?"
"Could it be the heart and the arrow?"
"Guess so...." Sabi mo corny....."
"I want you to remember this, Kimberly. Hanggang nakatayo at nakaukit ang mga pangalan natin diyan sa punong- kahoy na iyan. Ikaw lang ang mamahalin ko.
"Now, you're corny....."
"Maybe. But I love you......"
"Let's go. Babalikan pa natin ang kotse mo sa campus......"
Papasok ako sa driveway nila Kimberly nang matanawan ko ang Daddy niya papasok sa kanilang bahay. Inayos ko ang pagparada ng dala kong sasakyan at lumabas ng kotse balak kong dalawin kasi si Kimberly at yayaing kumain sa labas.
"Good morning, Sir......"
"Morning hijo, naroon sila Kimberly. Come and join us. Doon na rin tayo magluto sa cottage para sa tanghalian dito ka na kumain.
Napatingin ako sa aking sarili. Long sleeves, slacks and leather shoes.
"Don't worry, we have a swimming trunks for the guests. Come and walk with me to the house...."
"Sandali lang po, Sir...." Pumunta ako sa may gawing compartment ng aking sasakyan at binuksan iyon. Mula roon ay inilabas ko ang isang puting kamiseta na nakabalot pa sa plastic.
"Si Mama ang naglalagay nito rito, Sir. Pamalit ko daw po pagbasa na ng pawis ang panloob kong t-shirt."
"It shows that your mom cares about you," Now it comes in handy."
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG NERD
Teen FictionKahit ilang beses pa akong masaktan dahil lang sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.